^

PSN Showbiz

April Boy magbebenta ng food supplement sa concert

- Veronica R. Samio -

Magaling na si April Boy Regino sa kanyang sakit na prostate cancer, diabetes, at high blood. Barley food supplement lamang pala at mga pakete ng herbal supplements ang nakapagpagaling sa kanya. Bukas, Nov. 26, magdaraos siya ng isang konsiyerto sa Marikina Sports Center bilang pasasalamat dahil sa mala-himalang nangyari sa kanya.

Matatandaang bumalik ng bansa ang mag-anak na Regino, walong buwan makaraang ma-diagnose ito sa Amerika sa sakit na prostate cancer at diabetes nung 2009. Hindi lamang ang may karamdaman ang nawalan ng pag-asa kundi ang lahat niyang pamilya. Sa kawalan nila ng pag-asa ay tanging sa Panginoon sila kumapit. Minsan sa kanyang pagdarasal ay parang nakarinig ng tinig ang asawa ni April Boy na pinababalik sila ng bansa. Pinilit niya ang asawa at mga anak na bumalik. Nasa airport pa lamang sila ay pinainom na si April Boy ng kanyang kapatid ng Barley at mga tabletang herbal na nakapagpagaling sa cancer ni Maritoni Fernandez.

Makaraan lamang ang dalawang buwan ay nakaramdam na ng kaginhawahan ang may sakit. Pero inabot pa sila ng anim na buwan bago sila nakabalik ng US na kung saan ay na-clear si April Boy ng kanyang mga doktor sa lahat niyang mga sakit.

 Makakasama sa konsiyerto na pinamagatang Pasasalamat Concert si Rep. Manny Pacquiao (makakabalik ba siya mula Sarangani?), Ciara Sotto, at Lito Camo. Libre ang palabas pero bawat manonood ay hinihikayat na bumili ng pakete ng Barley na pinaniniwalaan ni April Boy na nakapagpaga­ling sa kanya.

May mawawala ba sa atin kung susubukin din nating uminom ng Barley?

Miss Venezuela napansin sa Miss Earth

Sa mahigit-kumulang na 90 kandidata, wagi ang pambato ng bansang Venezuela na si Caroline Medina bilang The Face of New Placenta by Psalmstre sa nagdaang pre-pageant activity ng 2011 Miss Earth na ginanap kamakailan sa Oakwood Premier Joy Nostalg Center, Ortigas, Pasig City. Pinili ng pangulo ng Psalmstre na si Jim Acosta ang 19 na taong gulang na taga-Venezuela dahil nagtataglay ito ng magandang kutis at kaaya-ayang personalidad, bukod pa sa may taas ito na 178-cms.

Ang Psalmstre ay taun-taong nakikiisa sa layunin ng Miss Earth Foundation bilang sponsor at kaakibat ito sa ilang mga proyektong may kinalaman sa pagtulong sa kalikasan. Kasama ni Mr. Acosta sa pagbigay ng New Placenta award ang modelo ng Creworks Asia na si Jovelyn Dellomas.

Manny nagpayo kay GMA na harapin ang kaso

Tama lang ang payo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa kanyang kapwa kongresistang si Gloria Macapagal-Arroyo na harapin ang kaso niya, tutal ay may mga abogado naman siya na tutulong sa kanya.

Pumunta na ng Sarangani si Manny para sa engrandeng pagsalubong na naghihintay sa kanya mula sa kanyang mga kababayan dahil sa kanyang panalo sa naging laban nila ni Juan Manuel Marquez. 

Piolo at KC wala nang pag-asang magbatian!

 Obvious na hindi nagkikibuan sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Hindi maiwasang magkita sila at magkasama sa katatapos na 25th Star Awards For TV pero talagang pinangatawanan nilang hindi magkasama sa iisang lugar. Pareho silang lumugar sa magkabilang panig ng stage para makaiwas sa direktang pagkikita.

Dahil talagang minamataan sila ng press, nakita ng lahat nang pumasok ng dressing room si Piolo habang nagpi-perform on stage si KC. Lumabas lamang ito ng makatapos ng kanyang number si KC. 

vuukle comment

ANG PSALMSTRE

APRIL BOY

APRIL BOY REGINO

CAROLINE MEDINA

CIARA SOTTO

CREWORKS ASIA

KANYANG

MISS EARTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with