Kahit may anak na at hiwalay na sa ama ng kanyang anak, napaka-desirable pa ring maituturing ng isa ko pang anak-in-law na si Vina Morales.
Kapatid si Vina si Shiela Magdayao, ang asawa ng anak kong si Freddie. Apat silang naggagandahang Magdayao, ang dalawa pa ay sina Shaina at Sheryl, pawang sa S nagsisimula ang mga pangalan. Sharon ang totoong pangalan ni Vina.
Bagama’t napakaganda pa rin ni Vina, it’s not just her beauty which many men desire kundi ang kagalingan niyang mag-perform.
Hindi baleng sabihing biased ako pero sa akin isa si Vina sa tatlong pinakamagagaling na singer/performer sa bansa.
Go catch her in in one of her concerts here para malaman n’yo kung ano ang sinasabi ko. Kaya naman mabenta siya sa abroad. Lahat ng Pinoy na nakapanood na sa mga shows niya sa abroad ay paborito siya.
Napapanood n’yo ba siya lately sa Nasaan Ka, Elisa? at ’di ba magaling siyang artista? To think na tumanggap siya ng isang offbeat role para maipamalas ang kanyang versatility.
Naalala kong bigla si Vina dahil napanood ko siya sa isang episode ng Showtime, ’yung inamin ni Kim Atienza na niligawan niya ang singer-actress nung kabataan nila pero binasted siya. ’Di ‘yun alam ng marami ha? Ang maganda sa dalawa, they have remained good friends at kahit nag-fail ang relationship ni Vina, masaya siya with her daughter at si Kim naman is a happily married man.
Alfred at Maribeth nagbigay ng leksiyon
Mahirap ba talaga ang buhay dahil hindi lamang magpapamilya ang nag-aaway-away at nagpapatayan dahil sa pera kundi dumarami ang bilang ng mga kasambahay na tinatabla na ang kanilang amo?
Kailan lamang ay nabalitang si Konsehal Alfred Vargas ay pinagtangkaan din ng masama ng kanyang katulong nang balakin nitong tangayin ang kanyang kaha de yero.
Si Maribeth Bichara, ang napakagaling na choreographer na una nating nakilala sa VIP show ni Gov. Vilma Santos ay ninakawan din ng kanyang katulong na may walong taon nang naglilingkod sa kanya. Yes, walong taon, at nagawa pa siyang pagnakawan!
Hindi ako magtataka kung baguhan lang itong naninilbihan sa amo niya pero ang tagal-tagal na nilang magkasama, bakit nagawa pa niya itong gawan ng masama?
Hay naku, kaya kayong mga naghahanap ng katulong, mga kakilala ng kakilala n’yo ang kunin n’yo, kung puwedeng kamag-anak, sila na lang.
Tatlong Kapuso stars nakikitaan na ng potential
Binabati ko rin ang tatlong Kapuso bagets na napiling Best TV Newcomers sa katatapos na Star Awards For TV, sina Derrick Monasterio, TJ Marquez na isa kong co-host sa Walang Tulugan With Master Showman, at ang bibung-bibong si Jillian Ward.