Young aactress suspek sa pagpapa-abort?
Ano ba, nagpa-abort nga ba ang isang young actress?
Ito kasi ang lumalabas na insinuation ng kanyang ex BF. Ang say ng ex, hindi niya nakaya ang nangyari kaya mabaliw-baliw siya sa kasalukuyan.
Kaya ang desisyon nito : aalis na lang ng bansa para makalimutan ang nangyari. Pero may banta siya sa young actress na hindi na niya ito po-protektahan this time.
Grabe kung totoo ang pinagsasabi ng male TV host tungkol sa kanyang ex. Kilalang dating madaldal ang male TV host pero nang magka-problema sila ng ex ay medyo nanahimik siya hanggang bumulaga na lang sa lahat ang nangyari sa kanila noon na ikanagulantang ng lahat.
Pero hindi pa pala ‘yun ang highlight. Meron pang pasabog na gustong pakawalan ang male TV host.
Oh my. Dapat mapigilan ito sa pagsasalita. Or else, kawawa ang ex niyang young actress na maganda ang takbo ng career sa kasalukuyan.
Kakausap lang namin sa young actress na suspek sa kuwento pero sa true lang, parang hindi naman ito guilty.
Marian at Dingdong nagpakasal, pero nagpa-annul din agad sa Las Vegas
Natutuwa si Representative Lani Mercado na si Marian Rivera ang leading lady ng asawa niyang si Sen. Bong Revilla sa Panday 2, ang entry ng GMA Films and Imus Productions sa 2011 Metro Manila Film Festival. Mismong si Marian ang nagbuking ng tungkol dito. Magkasama kasi ang dalawa sa Amaya so nagtsitsikahan sila tungkol sa mga nangyayari sa shooting ng Panday 2 na mukhang patataubin ang nauna nilang Panday dahil in fairness mas maganda ang trailer nito.
Kampante si Rep. Lani tuwing nasa shooting ang asawa. Hindi siya mag-aalala na may mababalitaan siyang hindi kaaya-aya kay Sen. Bong. Hindi naman puwedeng ma-link sina Bong at Marian.
Nanood nga rin pala si Marian ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas. At grabe, talagang parang tinatamaan din daw siya ng suntok tuwing magkakatamaan ang magkalaban. First time niya kasing manood ng live na boxing fight kaya ganun. “Buti na lang at walang dugo. Or else talagang lalayasan ko, lalabas ako,” sabi ng actress na takot pala sa tusok ng karayom kaya nang isugod siya nang kagatin ng higad sa taping ng Amaya, nagsisigaw siya sa emergency room ng isang hospital.
Anyway, going back sa kanyang quick US trip, binibiro siya na may issue na nagpa-secret marriage sila ni Dingdong Dantes sa Vegas pero the following day ay ipina-annul din naman nila. Natawa agad si Marian. “Matagal na ‘yang secret marriage na ‘yan. Saka pag nagpakasal kami, ayoko ng secret,” sabi niya kahapon after the presscon of Panday 2 na hinuhulaang magna-number 1 sa darating na Metro Manila Film Festival.
Ruffa hiwalay na sa dyowa!
Mukhang totoo ang balitang split na si Ruffa Gutierrez sa boyfriend niyang si Eduardo Puertas, isang Brazilian businessman. Kahapon ay nag-tweet si Ruffa na papunta siya ng Bali, Indonesia para mag-Eat Pray Love.
Teka hindi kaya si John Lloyd Cruz talaga ang kapalaran niya? Kasi hiwalay na rin ito kay Shaina Magdayao.
- Latest