PIK: Gaya nang inaasahan, ABS-CBN 2 ang wagi sa nakaraang Star Awards for TV na nasa ika-25 taon na.
Karamihan sa mga awards na napunta sa GMA 7 ay sa comedy at news programs.
Pero mas wagi si AiAi delas Alas na nakuha ang Best Comedy Actress sa sitcom nila ni Aga Muhlach na M3, at Best Single Performance by an Actress sa Krus episode ng Maalaala Mo Kaya.
Marami raw siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos dahil sa patuloy na blessings na natatanggap niya.
Tuloy, wala pa rin daw siyang sex lalo na’t may pelikula pa siyang Enteng ng Ina Mo na para sa MMFF.
PAK: Totoo naman kaya ang kuwento sa amin na naningil ang isang magaling na young actor ng isang milyon per day sa isang pelikulang pagbibidahan at ipu-produce ng isa ring magaling na actor/director?
Halatang presyong ayaw, pero pinagpilitan daw ng manager nitong young actor na malaki ang ibinabayad sa mga commercial endorsements nito kaya ganun daw talaga ang presyo nila.
BOOM: Sa pitong entries ng Metro Manila Film Festival, ang pelikulang My House Husband, Ikaw Na nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang unang nagpa-presscon na ginanap sa Guilly’s kamakalawa lang.
Ngayong araw naman ang Panday 2 nina Sen. Bong Revilla at Marian Rivera ang haharap sa movie press. Pero kabilin-bilinang huwag nang pag-usapan ang tungkol sa kaso ng pinatay na si Ramgen Revilla.
Ayaw nang magsalita ni Sen. Bong tungkol dito dahil bahala na raw ng korte sa kasong ito, pero hangad pa rin niya ang agarang paglutas sa kasong ito.
Pati nga siya ay idinadamay at ang kapatid nitong si Princess Revilla, pero hindi na lang niya pinapatulan dahil obvious na paninira na lang ito.
Sa nangyayari, obvious na ang pamilya Bautista na ang sinisiraan dito.
Sabi ni Manay Lolit Solis, kailangan na rin ng hustisya sa patuloy na paninira sa buong pamilya ni dating Sen. Ramon Revilla Sr.