Nagulat ang nakakita sa girlfriend ng isang aktor na rumarampa sa Greenbelt, Makati City dahil iba ang kasama niya at hindi ang aktor. Sweet ang GF ng aktor sa kasama at tila dedma na pinagtitinginan sila ng mga tao.
Agad tumawag sa mga kaibigan sa showbiz ang nakakita sa GF ng aktor kung hiwalay na ang dalawa dahil malakas ang loob ng babaeng makipag-date sa iba. Conflicting ang nakuha nitong sagot dahil may nagsabing hiwalay na ang dalawa at may nagsabi namang on pa rin ang couple.
Nagkaroon lang ng problema ang dalawa nang ma-attract sa ibang babae ang aktor na agad naramdaman ng GF. Pinamili nito ang aktor sa kanya at sa aktres na natipuhan. Ang GF ang pinili ng aktor, kaya nakakagulat na makitang iba ang kasama ng girlash at sweet pa sa kasama.
TJ bagong prince of horror
Hindi na nagulat si TJ Trinidad sa R-13 ratings ng The Road, ini-expect niya ’yun kahit part pa lang niya ang napanood nang mag-dubbing siya. Umaasa si TJ na marami pa rin ang manonood sa movie nila, kahit hindi puwede ang below 13 years old.
Natawa si TJ sa sabi ng press na puwede na siyang tawaging Prince of Horror dahil five to six horror movies na ang nagawa niya. Comfortable ba siya sa ganung title?
“No problem! Kung gusto nilang ibigay sa akin ang title na ’yun, okay lang. I’ve done many horror movies already, why not? At least, kakaibang title,” sagot ng aktor.
Hindi matatakutin si TJ pero natakot siya sa The Exorcist at Paranormal Activity 1 at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip niya ang mga eksena sa pelikula. Wish nitong tumatak din sa mga moviegoers ang The Road ’pag napanood.
Samantala, magkakaroon ng special celebrity VIP screening ang pelikula sa Resorts World, bukas, Nov. 24 at premiere night sa SM Megamall sa Nov. 25, bago ang opening sa Nov. 30.
Mas lumakas ang tawa ni TJ nang tanungin namin kung nagkaka-debelopan na ba ang mga kasama niya sa Kokak na sina Ervic Vijandre at Frencheska Farr. Ang alam niya, friends ang dalawa at si Ervic lang ang makulit.
Aktor na identified
sa ibang station
Papasok sa PS I Love U
Hindi pa pala kumpleto ang cast ng PS I Love You na iniharap sa press ng TV5 sa presscon nito dahil may mga papasok pang new characters. Isa rito ang aktor na identified sa kabilang network at tiyak na iingay at marami ang magtatanong kung bakit at paano siya napasama sa dramaserye ng TV5.
Hindi special guest ang aktor at marami ang kanyang eksena at maganda ang role niya sa PS I Love You. Hindi siya talent ng Viva Artist Agency, pero nakikita ang Viva connection kung bakit napasama siya sa show na co-produced ng Viva TV at TV5.
Kasunod na kaya nito ang paglipat ng aktor sa TV5 na wala naman yatang conflict kung mangyayari dahil parang wala siyang exclusive contract sa network kung saan siya identified? Saka wala rin yata siyang regular show sa network na ’yun.
‘Sundo’ nina Dingdong at Rhian pinalitan na
Nakapili na ang GMA 7 ng official title para sa Sundo at ito ay ang My Beloved at bida rito sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa direction ni Dominic Zapata pero ’pag tinanong kung ano ang soap nila, pare-pareho ang sagot na working title pa lang ang Sundo.
Sabi noon ni Direk Yam, mala-Meet Joe Black ang tema ng Sundo, kakaibang story sa TV at umaasa siya at buong production team na tatanggapin ng mga viewers.