Susan, Lucy, Ryan at mga maybahay iisa ang sabong panlaba!

MANILA, Philippines - May pagkakataong nakakalito para sa mga maybahay ang pagdedesisyon para sa pamilya. Namamantsahan ng maraming bagay ang anumang ta­os-pusong pagpili dahil sa mga impormasyong nakukuha mula sa iba’t ibang media at sa suhestiyon ng mga kaibigan at kamag-anak.

Mabuti na lang at, sa sabong Champion, madali sa mga maybahay ang pumili ng mga pangangaila­ngan nila sa paglalaba ng mga damit.

Nauunawaan ng Champion ang nasa puso ng mga Pilipinang ina at kung gaano siya nag­si­si­­kap na gawin ang mas makakabuti para sa kanyang pamilya.

Inihahatid naman ng Champion ang mas mahusay na kalidad na hinahanap ng mga may­bahay. Laging tinutugunan ng Champion ang panawagang ito sa bawat produktong gina­gawa nito mula noong taong 1977.

Dahil sa pagsandig ng Champion sa kali­dad, naging matapat sa kanila ang mga kon­­syumer at maging ang mga iginagalang ngayon na mga celebrities na nagsilbi bilang Champion brand ambassador.

Matagal na ring ineendorso ng movie icon na si Susan Roces ang Champion. Kilala si Susan sa kanyang kredibilidad, integridad, de­di­kasyon, at kalidad bilang aktres at maybahay. Sinasalamin niya ang mayamang pamana ng brand. Kap­wa taglay nina Susan at ng champion ang pagiging independiyente at katapatan na agad na nararamdaman ng maraming tao.

Kasama ni Susan sa pagsuporta sa Champion ang host na si Ryan Agoncillo at TV personality-turned-public servant Lucy Torres-Gomez.

Pinupuri ng dalawang celebrities na ito ang hangarin ng Champion na madama ang buhay ng maraming Pilipino.

Show comments