^

PSN Showbiz

Melai hindi na nakakatawa!

- Veronica R. Samio -

Bakit ba ang hilig-hilig ni Melai Cantiveros magsuot ng mga damit na may maluwang na dibdib ’tapos wala siyang gagawin sa show kundi ang itaas ito nang itaas para hindi mahulog at ma-expose ang kanyang dibdib? Ito ang ginawa niya nung Sabado ng gabi sa Banana Split, tuloy nag-alala ako na baka magkaroon siya ng wardrobe malfunction. Buti na lang wala pang nangyayaring ganito.  

Nung Linggo naman ng gabi, sa Magandang Gabi Vice, guest na naman sila ng boyfriend niyang si Jason Francisco. Naka-strapless naman siya at makalawa o maka-ikatlong ulit ay nakita na naman siyang nagtataas ng kanyang damit. Hindi magandang mamalas sa maliit na screen.

In fairness to her, malaki na ang iginanda ni Melai at iginuwapo ni Jason. Ang parang hindi nagbabago ay ’yung kagustuhan niyang makapagpasaya ng tao, even at her own expense.

Sana mag-move on na siya para seryosohin din siya ng tao.

Maestro Ryan natupad  ang pangarap sa Christmas

Isang napakasayang Pamasko ’yung konsiyerto na ginawa ni Ryan Ca­yabyab sa Araneta Coliseum at napanood nung Linggo ng gabi sa ABS-CBN.

Pinamagatang Isang Libo’t Isang Tinig ng Pasko, isa itong pangarap ni Maestro Ryan Cayabyab na binigyang katuparan ni Gng. Judy Araneta Roxas.

Itinampok sa konsiyerto sina Lea Salonga, Piolo Pascual, Angeline Quinto, KC Concepcion, Nyoy Volante, Jed Madela, Manila Symphony Orchestra, at ang isang libong boses sa kabila ng maraming koro na nakilala na’t nabigyan ng parangal sa abroad at maging dito sa atin.

Nagsilbing host ng big concert sina Venus Raj at Shamcey Supsup. Nagawa nila ng maganda ang kanilang trabaho ng walang nagpapasiklaban at feel ang kanilang suportahan. Puwede silang mag-host ng magazine show.

Ayaw sa acting, magho-host lang

Never na binalak ng Miss World International first princess Gwendoline Ruais na mag-artista. Nitong maging beauty queen na lamang siya madalas matanong tungkol dito.

“Hindi ko pa alam pero sa ngayon I’d say no to acting, baka mag-host sa TV puwede ako. I have so many things to do as Miss World Philippines. I’ll be accompanying Miss Cory Quirino to look for contestants for next year’s search. I hope ma-inspire sila ng naging victory ko sa London,” anang pinakahuling representative na nagbigay ng karangalan sa bansa sa isang international beauty pageant.

Joey de Leon gustong lumayas sa singing contest

Kung nagbibiro man siya o talagang napuno na dahil kung sino pa ’yung mga magagaling ay siya pang madalas malagay sa bottomline, nagbabala si Joey de Leon na baka mawala na siya at hindi na makita sa programang Protégé nung Linggo ng gabi.

Magkakatulad ng opinyon ang apat na hurado nang dalawang magagaling na protégés ang nakasama sa bottomline at ang isa pa nga, si Lovely Embuscado na alaga ni Jaya, ang naging casualty sa fifth elimination night.

Wala marahil ganitong reaksiyon kung ang grupong So Wat? ang nawala. Sila ang pinaka-palpak ang performance nung gabing ’yun. Sa simula pa lamang ng programa ay nagsabi na ng kanilang damdamin ang mga huradong sina Joey, Bert de Leon, Louie Ocampo, at guest judge na si Eula Valdez tungkol sa sinabi ng isa sa mga miyembro ng grupong mini-mentor ni Rey Valera na parang pini-personal sila ng mga hurado. It surely got the ire of the judges at tinawagan nila ang atensiyon ng miyembrong nagreklamo.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ARANETA COLISEUM

BANANA SPLIT

CORY QUIRINO

EULA VALDEZ

GWENDOLINE RUAIS

ISANG LIBO

ISANG TINIG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with