^

PSN Showbiz

Iligal na bentahan ng LPG titiktikan

-

MANILA, Philippines - Bukod sa pagsumbong sa katiwalian, takot para sa sarili nilang mga buhay ang nag-udyok sa isang residente sa North Caloocan na dumulog kay Anthony Taberna ng XXX para sa diumano’y iligal na bentahan ng LPG (gas) sa kanilang lugar.

Isang paupahang bahay diumano ang nagsisilbing pugad ng bentahan ng LPG na naglalagay sa peligro ng mga kalapit bahay doon. 

Ang pangamba ng ginang, baka matulad sila sa insidente noon sa kanilang lugar na may nasunog na kabahayan dahil sa pagsabog ng tangke ng LPG. 

Hinirang na Best Public Service Program sa katatapos lang na 20th KBP Golden Dove Awards, ang XXX ay nakapagsiwalat na ng maraming katiwalian sa lipunan. Ilan sa mga pinakapinag-usapang isyu sa bansa ay dahil sa exposé ng programa tulad ng lolang walang awang kinulong at minaltrato sa loob ng kulungan ng aso at ang paglabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste. Ang dalawang naturang exposé ay parehong nominado para sa Outstanding Crime/Investigative Program category sa nalalapit na Golden Screen Awards For TV. Nominado rin ang programa para sa Best Public Service Program maging anchors nito para sa Best Public Service Program Host sa gaganaping Star Awards for TV.

Tutukan ang buong kuwento ni Anthony nga­yong Lunes (Nov. 21) sa XXX kasama rin sina Pinky Webb at Julius Babao pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM Te­leRadyo sa parehong araw, 9:15 p.m. 

ANTHONY TABERNA

ANTONIO LEVISTE

BATANGAS GOVERNOR

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM HOST

GOLDEN DOVE AWARDS

GOLDEN SCREEN AWARDS FOR

INVESTIGATIVE PROGRAM

JULIUS BABAO

NORTH CALOOCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with