^

PSN Showbiz

Dina palalayasin sa TV ang aktres, papupuntahin sa bahay para mag-workshop

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ngayong Lunes na ang pilot sa TV5 ng sequel ng PS I Love You at balitang kinausap ni Vic del Rosario si Willie Revillame na hindi na i-extend ang WilTime Big Time para pumasok sa oras ang Glamorosa at ang PS I Love You.

Si Dina Bonnevie ang gaganap sa role na ginampanan sa pelikula ni Sharon Cuneta at nabanggit nitong natakot siya nang unang i-offer ang project dahil baka hanapin si Mega. Pero chance na niya itong makatrabahong muli si Gabby Concepcion, kaya iwinaglit nito ang takot at tinanggap ang project na sequel at hindi remake.

Sabi ni Perci Intalan, si Sharon talaga ang una nilang naisip na kunin sa Kristine role pero hindi raw nagteteleserye si Sharon. Hindi na rin siguro nila ma­­hintay ang paglipat ni Mega at lumabas na rin sa TV5 si Dina at after mabasa ang script, nagdesisyon silang ang aktres ang kunin.

Samantala, may reaction si Dina sa mga aktres na nagre-remake sa movies niya. Sino kaya ang pinatungkulan nito sa comment na, “Ang iba arrive, ang iba gusto mong palayasin sa TV, papuntahin sa bahay para mag-workshop.”

Boots Anson Roa dini-date ang mga manliligaw

Hindi na lang sa Munting Heredera mapapanood na kontrabida si Boots Anson Roa dahil kontrabida rin ang role niya sa Rain, Rain Go Away episode ng Shake, Rattle & Roll 13 bilang ina ni Jay Manalo. Gaya sa unang labas niya sa Muher, tiyak na may “gulat factor” ang paglabas niyang bad mother-in-law.

Natuwa kami kay Boots sa pictorial ng episode nila dahil she was dancing to the music na pangpa-mood sa mga artistang nagpi-pictorial. Noon lang namin siya nakitang sumasayaw. Iba sa paningin namin kaya nagulat kami.

Gaya ni Eddie Garcia, wala pa sa plano ni Boots ang magretiro sa showbiz. Sabi nito: “This business has been good to me at ’di ko pa maubos maisip mag-retire. Mahal ko ang trabaho ko at hanapbuhay ko ito. May mga project pa namang dumarating and I’m busy, kaya bakit ako magre-retire?”

’Katuwa rin na hindi nagpaliguy-ligoy ng sagot si Boots nang tanungin kung may suitors siya. At 66 years old, may manliligaw siya at lumalabas siya with them.

Dad ni Alden napaiyak sa acting nominations ng anak

Si Alden Richards na nga ang next na ibi-build up ng GMA Films at GMA 7 at sa last meeting ng aktor sa bossing ng GMA Films, inilatag ang mga projects na gagawin niya after The Road. Excited si Alden at nangakong gaga­win ang lahat para hindi ma-disappoint ang nagtitiwala sa kanya.

Inulit din nito ang pa­ngakong hindi siya aalis sa GMA Network at lilipat sa ibang network dahil nakikitang inaalagaan siya sa Ka­puso Network. Kasama rin siya sa Panday 2 at na-starstruck kay Eddie Garcia at kay Sen. Bong Re­villa, Jr. Next siyang mapapanood sa primetime soap na Sundo with Dingdong Dantes.

Masayang ibinalita ni Alden na first time makikita ang dad niya sa Star Awards for TV at Golden Screen Awards ng ENPRESS, kung saan pareho siyang nominated.

“Naiyak ang dad ko sa two nominations ko at sasama raw siya sa awards night. Pinatahian ko siya ng damit na isusuot dahil dadalo kahit matalo ako,” sabi ni Alden na excited sa magagandang mangyayari sa career niya.

Wish din pala ni Alden na mapansin ang acting niya sa The Road at tiyak na mangyayari ito dahil kahit two lines lang yata ang dialogue niya, sobra ang impact ng role at mga eksena niya. Sa Nov. 30 na ang showing ng movie.

ALDEN RICHARDS

BIG TIME

BONG RE

BOOTS ANSON ROA

DINA

EDDIE GARCIA

I LOVE YOU

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with