Sarah virgin pati mga mata
Ngayon lamang ako naniniwalang virgin pa si Sarah Geronimo. Hiyang-hiya ito at hindi malaman ang gagawin nang sa isang eksena nila ni Gerald Anderson sa pelikula nila ay mabasa ang aktor at kinailangang magtanggal ng pang-itaas na damit. Hindi niya matingnan ang abs ng kapareha kaya hindi niya masabi kung perfect ito o hindi.
Nagpapasalamat na lamang si Sarah na hindi pinahawakan sa kanya ng direktor nila ang katawan ni Gerald.
’Kakatuwa itong si Sarah, napaka-late mag-bloom. At age 22, nahihiya pang makakita ng katawan ng lalaki. Paano kung hindi lamang pang-itaas ang tinanggal ni Gerald kundi pati pantalon nito? Aba baka hinimatay na siya!
Bagong buhay na!
Mabuti naman at maagang na-realize ni Cogie Domingo na may gusto siyang mangyari sa kanyang buhay kaya nagbalik showbiz na buo sa loob na iwan na sa nakaraan ang mga hindi magagandang bisyo na makasisira sa kanyang pagbabago.
Sinabi niyang ’yung pagsusugal ay matagal na niyang hindi ginagawa. Umiwas na rin siya sa mga kaibigan na naghatid sa kanya sa bisyo. Marahil kung lulong siya sa droga ay mahihirapan siyang magbago pero dahil tumikim lang siya kung kaya hindi ganun kahirap talikdan ito na siya niyang ginawa at nakitang muli sa showbiz.
Tama lang ang pasya niyang balikan ang kanyang pag-aartista. Napatunayan naman niya na meron siyang ibubuga, break lang ang kailangan niya na hindi naman ipinagkait sa kanya ng TV5. Mula sa Siete at nasa Kapatid Network na siya pero habang buhay niyang tatanawing utang na loob ang pagpapalang ginawa sa kanya ng GMA 7 nung panahong down na down siya.
Away nina Sarah at Louise dapat nang pakialaman
Akala ko tapos na ang isyu kina Louise delos Reyes at Sarah Lahbati, hindi pa pala. Kailangan na sigurong gumitna ng GMA o pagsabihan ang kani-kanilang mga magulang at managers para hindi na ito lumala. Wala namang dapat pag-awayan ang dalawa, meron lang miscommunication na dapat maituwid.
Marami namang magagawa para ang away ng mga magkakasama sa iisang network ay mapigilan. Kailangan lamang mailagay ang mga artista sa dapat nilang kalalagyan at huwag pairalin ang yabang at tigas ng ulo. Nakakahiya pa kung ang maging dahilan ng pag-aaway ng dalawang babae o higit pa ay iisang lalaki lamang.
- Latest