Paglayas ni Sharon sa ABS-CBN 'di alam ni Mr. Gabby Lopez!

MANILA, Philippines - Dinaan sa biro ni Mr. Gabby Lopez ang issue ng pag-alis ni Megastar Sharon Cuneta sa ABS-CBN for TV5.

“I don’t know, maybe we should ask the other channel,” sabi niya na tumatawa nang tanungin siya ni Ms. Luchi Cruz-Valdez sa ginanap na Ad Congress sa Camarines Sur.

 But my source tells me that Sharon has reviewed the contract offered by TV5 last week at wala na ngang urungan ang paglipat.

Samantala, sinabi ni Mr. Lopez na sa iba’t ibang pagbabagong umuusbong sa media ngayon, mana­natili pa ring ‘in the service of the Filipino’ ang ABS-CBN.

“Isang karangalan na makapagtrabaho sa isang kumpanyang sentro ang paglilingkod sa publiko. Ang pagtatrabaho sa ABS-CBN ay hindi isang trabaho. Isa itong tawag o calling,” sabi ng ABS-CBN chairman at CEO ng Dos sa 22nd Philippine Ad Congress sa sesyon tungkol sa Futire of TV, Future of Media.”

Sa kanyang talumpati, sinabi ng ABS-CBN chairman na sa kabila ng pag-usbong ng teknolohiya ay iiral pa rin sa bandang huli ang emosyon sa kung paano gagamitin ng mga manonood ang serbisyong hatid ng network.

Bilang halimbawa, sinabi ni Lopez na ang mga ABS-CBN teleserye ay napapanood ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo via cable, satellite, at Internet protocol TV. Ngunit ang nilalaman ng mga teleseryeng ito ang tunay na nag-aangat sa damdamin ng mga Pinoy sa patuloy na pagsalamin nito sa kanilang mga pinagdadaanan sa buhay.

“Lahat tayo may mga kamag-anak sa ibang bansa. Maaring marami na sa kanila ang nakapagsabi sa inyo kung paano nakakagaan ng loob nila ang mga Pinoy drama na napapanood nila sa TFC,” dagdag pa ni Lopez.

Para sa ABS-CBN chairman at CEO, naging matagumpay ang pamumuhunan ng ABS-CBN sa makabagong teknolohiya dahil natutugunan nito ang pangangailangan at pagpapahalaga sa sarili at sa bayan. Ilang halimbawa nitong binigay ay ang kanilang mainit na pagtanggap sa Pinoy Big Brother na siyang unang local TV program na may 26 camera na ginagamit 24/7 at may live streaming pa sa cable TV.

Nariyan din ang Imortal website na siyang unang nagbigay ng webisodes ng isang TV series; Boto Mo, iPatrol Mo bilang unang citizen journalism campaign sa bansa gamit ang makabagong teknolohiya; at ang TFC bilang pinakaunang nagsagawa ng town hall meeting kasama si Presidente Benigno Aquino III nang bumisita ito sa North America.

Sa kasalukuyan, patuloy na sinusubukan ng ABS-CBN ang kanilang Di­gital Terrestial Television o DTT na siyang magbibigay ng mas malinaw at mas maraming channels sa mga manonood.

“Patuloy kaming mamumuhunan sa teknolohiya kasabay ng lalo pang pag-ibayo ng mga programa at serbisyong pupukaw sa emosyon ninyo,” sabi niya.

“Sa loob ng maraming taon, napanatili namin ang makahulugang samahan namin sa aming mga manonood bilang isang media company na nag-uugnay ng mga Pilipino saan man sa mundo gamit ang iba’t iba naming media platforms,” paliwanag ni Lopez.

Ayon pa kay Lopez, nasa industriya na siya ng media sa loob ng 25 taon at ito lang ang nais niyang gawin sa mga darating pang taon.

“Ito lang ang nais kong gawin. Para akong NBA player na binabayaran para gawin ang isang bagay na maari kong gawin ng libre,” sabi ni Lopez, na pinalakpakan naman ng mga delegado sa Ad Congress.

Si Lopez ay isa sa tatlong media network chairmen na nagsalita sa hinaharap ng media sa Ad Congress – Atty. Felipe Gozon for GMA 7 at si Mr. Manny Pangilinan for TV 5 na pare-parehong nag-speech.

Naroon din si Korina Sanchez na siyang nag-moderate ng mga katanu­ngan sa isang interview sa chairman ng GMA 7.

It was quite a feat, bringing together onstage the big bosses of the country’s three major broadcast networks.

That rare moment happened last Friday at the Advertising Congress at the Camsur Watersports Complex in Pili, Camarines Sur.  

Show comments