Tinanong namin si Bro.
Mhon Gotungkol sa ilang celebrities at kung ano ang hula niya sa mga ito. Malakas ang Extra Sensory Perception (ESP) ni Bro. Mhon na kaibigan ng yumaong si
Jojo Acuin.Una sa listahan namin si Kris Aquino at sinabi nitong papasok ito sa pulitika - Senado at magiging landslide ang victory. Kahit pa ito tumakbo na pagkapangulo balang araw ay malaki rin ang pag-asang manalo. Ang kanyang anak na si Bimby ay magiging sikat na celebrity.
Mamamayagpag ang career ni Kim Chiu at Coco Martin na magiging pambato ng ABS-CBN at medyo papalubog na si Piolo Pascual.
Naitanong din namin kung magre-retire na si Manny Pacquiao.
‘‘Hindi pa pero maghaharap uli sila ni Marquez at magiging duguan ang labanan. Pero panalo pa rin ang Pambansang Kamao,’’ aniya.
Tungkol naman sa career ni Nora Aunor okey naman ang magiging kalagayan niya bilang artista pero hindi na siya puwedeng kumanta ayon pa kay Bro. Mhon.
Dalawang director pa ang papanaw sa taong ito.
Erich, namamayagpag
Bongga ngayon ang career ni Erich Gonzales na endorser ng Sisters Sanitary Napkin at Pantyliner. Inamin nito na gumagamit siya ng feminine products ng Mega Soft Hygienic Products dahil affordable ito.
Extended pa ang kanyang dramaserye na Maria La Del Barrio. Malaking break ang dumating sa kanyang buhay dahil gagawa ito ng proyekto sa Star Cinema at makakapareha si Mario Maurer na isang Thai actor-model sa pelikulang Suddenly It’s Magic.
FAMAS sa DEC. 10 NA!
Ipinahayag ni Eloy Padua, FAMAS President na sa ika-10 na ng Disyembre idaraos ang FAMAS Awards na gaganapin sa National Commission for Culture and the Arts sa Intramuros.