^

PSN Showbiz

Jinkee tumutupad sa sinumpaan!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Tama lang ang desisyon ni Jinkee Pacquiao na huwag payagang masira ang marriage nila ni Manny kahit ilang babae pa ang ma-link dito at ilang mga anak sa labas ang lumitaw. Responsibilidad niya na pangalagaan ang sumpang binitawan niya nung ikasal sila at may mga anak sila na naging bunga ng  sumpang ‘yun. Kailangan niyang maging matatag para sa kanila.

Marami kasing bali-balita na nag-iisip nang mag-file ng annulment si Jinkee dahilan lamang sa mga tsismis na naglilitawan tungkol sa Pambansang Kamao.

Marami pang mag-asawa ang inabutan ng mas matitinding unos pero never silang nag-give up, bakit siya na ang tapang-tapang at palaban ay nagpapakita ng kahinaan?

Ay, Jinkee ngayon ka pa ba susuko. Kita mo naman na naapektuhan ang huling laban ng asawa mo ng mga naglabasang mga intriga, huwag kang aalis sa tabi niya, samahan mo siya anuman ang mangyari.

Juday handang tumaba uli

Handa naman si Judy Ann Santos kung muli siyang magbubuntis. Nakaisang taon na naman daw si baby Lucho at ang pagkakaroon ng anak ay isang blessing. Gusto niya bago siya dumating ng edad 35 ay masundan na ang lalaki nila na ngayon pa lamang ay nagpapamalas na ng kalikutan at takbo nang takbo.

Hindi naman problema sa pagkakaroon nila ng isa pang baby ang trabaho niya. By the time na magbuntis siya for the second time ay nag-wrap up na ang programa niyang Junior Masterchef. Iiwan na naman niya ang pagpu-provide sa pamilya sa mister niyang si Ryan Agoncillo na kung tutuusin ay kaya na silang itaguyod na mag-iina.

‘Yung pagtatrabaho naman niya, I’m sure ay para sa kanyang self-fulfillment, dahil nasanay na siyang may ginagawa simula nung bata pa siya. Pero kung kinakailangan ay puwede na siyang mag-fulltime wife and mother.

 Sige, magpakarami kayo. 

Mark kinawawa sa ending

Poor Mark Herras! Disappointed ang maraming fans niya dahil hindi sa kanya napunta ang character na ginampanan ni Kris Bernal sa katatapos na ser­yeng Time of My Life. Kay Rocco Nacino napunta si Kris which made  Rocco’s role more bida than Mark’s. Pero kung walang problema rito si Mark na marami nang pinagbidahang serye sa Siete, sila meron!  Hindi sila happy sa naging role niya. Nagsimulang maganda pero naging suporta lang sa huli. At suporta na lang daw, maliit na suporta pa!

Feeling nila agrabyado ang idolo nila. Hindi raw ba binasa ni Mark ang script bago niya tinanggap? At bakit daw  siya pumayag na ganun lang ang maging role niya?

JINKEE

JINKEE PACQUIAO

JUDY ANN SANTOS

JUNIOR MASTERCHEF

KRIS BERNAL

MARAMI

MARK HERRAS

NIYA

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with