Si Joey de Leon ang gumaganap na tatay ni Sarah Geronimo sa Won’t Last A Day Without You.
Hindi nagdalawang-isip si Papa Joey na tanggapin ang offer dahil fan siya ni Sarah.
Pinapanood ni Papa Joey ang mga pelikula ni Sarah at sinusubaybayan niya ang career ng aking favorite singer-actress.
Personal na pinuntahan si Papa Joey ng writer at direktor ng Won’t Last A Day Without You sa studio ng GMA 7.
Nagulat ang writer at director dahil tinanggap ni Papa Joey ang kanilang alok.
Why not eh favorite nga niya si Sarah?
Gerald na-starstruck sa komedyante
Na-starstruck si Gerald Anderson nang ma-meet niya si Papa Joey sa set ng kanilang pelikula.
Hindi makapaniwala si Gerald na makakatrabaho niya ang sikat na comedian at TV host dahil belong sila sa magkalaban na TV network.
Welcome sina Gerald at Sarah na mag-promote sa Eat Bulaga dahil kay Papa Joey na very supportive sa kanilang movie project.
Malaki ang role ni Papa Joey sa Won’t Last A Day Without You.
‘I’m sure, bongga rin ang talent fee ni Papa Joey.
Mga news programs ang taas ng ratings dahil sa real-life drama ni Gloria
Bongga ang ratings ng mga news program noong Biyernes dahil nakatutok ang buong bayan sa real-life drama ng pag-aresto kay former President Gloria Macapagal-Arroyo.
Naka-confine si Mama Glo sa St. Luke’s Medical Center sa Global City at kahit hindi siya nakikita sa mga television report, watch pa rin ang mga tao.
Talbog na talbog ng real-life drama ang mga eksena sa mga drama series ng mga TV network.
Matindi rin ang traffic situation sa buong Metro Manila noong Biyernes at may duda na may kinalaman pa rin ito sa pag-aresto kay Mama Glo dahil sa mga usisero na nagpunta sa Supreme Court, Pasay City Regional Trial Court at St. Luke’s Hospital.
Sinusubaybayan ng mga Pinoy ang mga magaganap sa kaso ni Mama Glo dahil interesado sila na malaman kung mabibilanggo siya sa kulungan o hospital arrest lamang ang ipatutupad ng korte tulad nang naranasan ni Papa Erap Estrada noong 2011.
Barbie manipis nang mag-makeup
Hindi makapal ang makeup ni Barbie Forteza nang umapir siya sa presscon ng The Road noong Biyernes.
Sinabi ko kay Barbie na bagay sa kanya ang light makeup dahil bagets pa siya. Hindi ko kasi type kapag makapal ang makeup dahil parang minamadali ang kanyang pagdadalaga eh darating din naman siya sa stage na ‘yon.
Maganda ang mukha ni Barbie at kapag pretty ang face ng isang babae, hindi kailangan ng makapal na makeup.
Binanggit ko rin sa madir ni Barbie ang aking observation at agree naman siya. Fresh na fresh ang itsura ng kanyang anak sa light make up.
Rhian nakapag-shopping kahit may sakit
Natawa ako sa kuwento ni Rhian Ramos na buong ningning na binati niya si Manny Pacquiao nang magkita sila pagkatapos ng laban ng Pambansang Kamao kay Juan Manuel Marquez pero sumenyas lang si Ninong dahil hindi ito makapagsalita porke may sugat din siya sa labi.
Pinanood ni Rhian ang laban ng kanyang ninong at libre ang pamasahe at hotel accommodation, courtesy of Papa Manny. Isinama ni Rhian ang kanyang madir na libre rin ang US trip.
Masama man ang pakiramdam ni Rhian, nagpunta pa rin siya sa outlet shops sa Las Vegas para mag-shopping. Personal money niya ang kanyang ginamit sa shopping dahil kalabisan na raw kung sasagutin pa ‘yon ni Papa Manny na very generous sa mga co-host niya sa Manny Many Prizes.
Bukas pa darating si Papa Manny sa Pilipinas kaya si Richard Gutierrez ang guest co- host kahapon sa Manny Many Prizes na ginanap sa Mall of Asia.