Mga grupo ni Paula Abdul sa The X Factor lagas na

MANILA, Philippines - Namaalam na naman ang isang grupo ni Paula Abdul sa The X Factor — ang Stereo Hogzz— matapos mas piliin ng mga kapwa niya hurado ang grupong Lakoda Rayne. Nakuha ng parehong grupo ang pinakamababang bilang ng mga boto. Pagkatapos awitin ang kanilang napiling song for survival, nagdesisyon na nga ang mga hurado na pauwiin ang all-male group. Ngayong linggo, patuloy naman na magbabakbakan sa kantahan ang natitirang finalists na sina Melanie Amaro, Rachel Crow at Drew sa mga babae; Astro, Marcus Canty at Chris Rene sa mga lalaki; LeRoy Bell, Stacy Francis at Josh Krajcik sa mga Over 30s; at ang natitirang grupo na Lakoda Rayne. Pero bago nila malaman kung sino ang mamamaalam sa Biyernes (Nov. 18), mapapanood muna nila ang global superstar na si Rihanna na aawitin ang kanyang No. 1 hit single na We Found Love. Huwag palalampasin ang The X Factor via satellite tuwing Huwebes at Biyernes, 7 p.m. sa Studio 23.

Show comments