Actor na magaling umarte, grabeng maningil ng tf

Narinig namin ang tsikahan ng isang line producer (LP) at staff ng isang pelikula at medyo nagrereklamo ang LP sa mataas na talent fee na hinihingi ng isang actor, gayung hindi naman daw kasikatan.

Nagulat ang LP sa kinowt ng actor na TF sa pelikula, pero wala siyang nagawa kundi i-call ang asking TF nito dahil bagay ang actor sa role and in fairness, magaling umarte at makatutulong para mas gumanda ang movie.

Lalong nagulat ang LP sa narinig sa staff na pati sa TV, mahal maningil ang actor. As in, P100,000 per taping day ang asking price nito at kinakagat ng network na kumukuha sa kanya dahil magaling nga.

Kahit mahal, marami pa rin ang kumukuha sa actor, kaya suffer ang mga LP at talent coordinator sa kanya.

Carmina sa tatlong network may offer

Napapalakpak sa tuwa sina Marvin Agustin at Carmina Villarroel na nagustuhan ng mga nauna nang nakapanood ang The Road ng GMA Films na tinatampukan nila. Nalungkot lang ang dalawa sa nalamang R-13 ang ratings ng movie ng MTRCB, sana raw maging PG-13 ang rating nito para mas marami ang makapanood.

May mga eksenang sinasaktan ni Carmina si Renz Valerio sa movie at para ‘di matrauma ang bagets, niyayakap at nagso-sorry siya after. Comeback movie nito ang The Road  na showing sa Nov. 30, at kahit maiksi ang labas, naniniwalang kung wala ang karakter niya, walang story ang movie.

Happy ito dahil siya talaga ang choice ni Direk Yam Laranas sa kanyang role.

Ibang Marvin din ang mapapanood sa movie at thankful ding makatrabaho si Direk Yam. Sabi nito: “First time naming magkausap at first few words palang, alam kong magaling siya. Very articulate at gumawa ng paraan na before the shoot, ma­kita ako para ma-explain ang story at ‘dun palang, parang nagsu-shooting na kayo. Ensemble acting ito at na-design ang movie at ‘di tatayo na wala ang isa.”

Samantala, matutuwa ang GMA 7 sa pahayag ni Marvin na wala siyang balak umalis sa network at lumipat sa iba gaya nang nababalita. “I can honestly say na as of now, no plans yet. I’m happy here,” sabi nito.

Itinanggi rin ni Carmina ang nauna nang sinabi ni Zoren Legaspi na sa ABS-CBN siya lilipat dahil as of now, hindi pa siya nakakapag-decide kung aling offer ng three networks ang tatanggapin.

Ang manager na si Dolor Guevarra na lang daw ang magde-decide para hindi siya mahirapan.

Dennis feel na feel ang pagiging call boy/macho dancer

Former callboy/macho dancer na naging gym instructor ang role ni Dennis Trillo sa Yesterday, Today , Tomorrow. Matutuwa ang fans nito kung may macho dancing siya na willing gawin ng actor. Nagampanan na niya ang ganitong role, kaya hindi na siya mahihirapan.

Pag-aagawan siya rito nina Agot Isidro at Solenn Heussaff na gaganap na mag-ina, kaya feeling lucky si Dennis at nagpapasalamat sa Regal Entertainment for always giving him good projects and challenging roles.

“Masaya ako bilang actor na nasusubukan ang iba’t ibang role. Interesting gawin ang call boy/macho dancer/gym instructor role at interesting din na pag-aagawan ako nina Agot at Solenn.”

Show comments