Aktor puro 'dark' ang nasa loob ng bahay!

May pagka-dark pala ang sistema ng buhay ng isang aktor.

Yup, as in kung makikita mo raw ang bahay nito, tadtad ito ng dark and surreal art pictures at darkness symbolism.

Pero wala sa hitsura ng aktor ang pagiging dark ng buhay nito.

In fact ang alam ng lahat, magaan ang sistema ng buhay nito dahil very positive naman ang aura at parang masayahin.

Kaya nga raw mas maligaya ito na nagso-solo lang sa buhay at walang girlfriend dahil enjoy ito sa kakaiba niyang mundo.

Loveless sa kasalukuyan ang aktor at maganda ang takbo ng career.

Solenn game makipag-lasingan kay John Lloyd

Swak sa pagiging calendar girl at endorser ng Ginebra products si Solenn Heussaff. Umiinom daw kasi siya.

At nang tanungin kung sinong gusto niyang kainuman kung saka-sakali – si John Lloyd o Baron Geisler na nababalitang parehong mahilig tumoma, si John Lloyd ang choice ni Solenn. Kahit pa-morningan pa raw.

Samantala, si Solenn na ang binansagang bagong tambok queen dahil sa mga tambok sa mga Ginebra calendar niya na may limang version na tiyak maglalaway ang kalala­kihan na tomador.

Sylvia kinarir ang pagluluto ng laing

Ay kinakarir pala talaga ni Sylvia Sanchez ang pagluluto ng laing para sa kanyang TJ’s Bar and Restaurant na nagbukas noong 11-11-11, ang araw na pinaniniwalaang nagdadala ng triple luck.

Sa Greenhills ang first branch ng nasabing resto pero naisip ng aktres na ilipat ito malapit sa mga taga-showbiz - Sgt. Esguerra Street corner Scout Bayoran in Quezon City, near ABS-CBN.

Ang ginagawa pala ng aktres sa laing na dinarayo sa TJ’s ay nag-i-stock siya ng mga ingredients sa ref so kahit anong oras puwede siyang magluto.

“Depende, mga two kilos ang stock ko ’pag mahina, ’pag malakas nasa lima or more kilos. Hindi naman nasisira. Saka matagal ang laing, kapag nilagay mo sa ref, tuma­tagal talaga, mas lalong sumasarap,” sabi niya sa kan­yang version ng laing na paboritong kainin sa Bicol.

Ayon sa mga nakatikim na, may kakaiba itong ma­gic.

“Pagkauwi ko galing sa trabaho, maski na madaling araw, nagluluto ako bago matulog para kinabukasan, ready nang dalhin sa restaurant. Ginagawa ko talaga, ayo­ko kong napapahiya ako kaya kahit na pagod ako, sige lang,” tsika ni Sylvia sa opening ng kanyang resto sa QC.

Mahilig daw siyang mag-experiment sa kanyang mga niluluto kaya nabuo niya rin ang pasta laing.

At bantay-sarado ang kanyang recipe para wa­lang makakopya.

Pero hindi lang basta nagluto si Sylvia dahil nag-aral pala siya ng culinary course sa Academy for International Culinary Arts (ICA).

Bukod sa laing, specialty daw nila ang bagnet at kare-kare.

At kahit abala sa kanyang negosyo, hindi naman tinatalikuran ni Sylvia ang pagiging impakta sa mga teleserye.

Paborito siyang kontrabida na ang huling series na nilabasan niya ay ang Iglot at nakasama rin siya sa pelikulang Tween Hearts.

At sa tinagal-tagal niya sa showbiz, hindi siya nag-aambis­yong maging bida kahit noon pa. Nagsimula raw kasi siya talagang kontrabida.

“Sinuwerte ako noon kasi at that time, kokonti palang ang kontrabida. Hindi ko naman pinangarap maging bida, ayoko nun. Mas gusto kong kontrabida kasi mas nagtatagal, hindi katulad ng bida na madaling mawala,” sabi niya na nagkatotoo naman,

Malalaki na ang tatlong anak niya sa asawang si Art Atayde. Pero meron pa siyang anak sa unang relasyon.

Anyway, bukod sa mga Filipino dishes, meron din silang pizza and pasta sa TJ’s. Marami raw kasing customers ang naghahanap nito. “Hindi ko naisip, hindi pala talaga puwedeng walang pasta and pizza kaya nag-imbento ako ng laing pasta, pizza tuyo,” say niya.

Show comments