MBC sumipa sa 1-2-3 rating ng radyo

MANILA, Philippines - Tuwang-tuwa ang mga tagapamahala ng Manila Broadcasting Company sa resulta ng Personal Radio Listening Survey na isinagawa ng Applied Marketing Research Inc. noong September 9-19, 2011, kung saan sumipa sa tatlong pinakamataas na puwesto ang 90.7 Love Radio, 101.1 Yes FM at 96.3 Easy Rock.

Sa mga one–on-one interview ng naturingang recall survey, 18.2 porsiyento ng mga tagapakinig sa Metro Manila ang nakuha ng 90.7 Love Radio, na sadyang hindi matinag sa pagiging number one sa loob ng walong taon.   Pumangalawa ang 101.1 Yes FM na nakakuha ng 9.9%, at nasa ikatlong puwesto naman ang 96.3 Easy Rock na may 6.9%.  

Pursigido ang Love at Yes na makakuha ng higit na malawak na sektor ng mga tagapakinig at patuloy na rumaratsada sa kanilang Radyo - Dalawa Lang Yan concert series sa iba’t ibang lugar. 

Unti-unti namang tinitibag ng Easy Rock ang audience share ng ibang mga istasyon sa kanilang easy-listening playlist, na gustung-gusto ng nasa A-B-C market, lalo na mga propesyunal at mga estudyante.

Show comments