Mark idinenay na engaged na kay Ynna

PIK: Klinaro ni Mark Herras sa last taping day ng Time of My Life na hindi pa sila engaged ni Ynna Asistio.

May identical silver ring na suot ang magkasintahan pero kinorek sa amin ni Mark na hindi ’yun engagement ring kundi couple ring.

“Ang pinagkaiba ng engagement ring, ’yun ang ring na ibinibigay mo kapag your asking your girlfriend to marry her. ’Yung couple ring namin, it’s a commitment lang na pareho kaming meron.

“Kung sakaling may engagement ring, malalaman n’yo rin naman lahat ’yun eh,” pahayag ni Mark na aminadong in love na in love naman siya kay Ynna.

PAK: Mamayang gabi na magsisimula ang Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown at sabi nga ni Richard Gutierrez, mas matindi ito kung ikumpara sa mga nakaraang season ng naturang reality show dahil iba talaga ang karakter ng mga kasaling castaways ngayon.

Kararating pa lang nila sa isla ay may matinding awayan na pero hindi sinabi kung sino ang mga ito.

Ang duda namin ay ang dating mag-asawang KC Montero at Geneva Cruz dahil ayaw talaga ng huli na sumali.

Kaya wala silang ginawa sa isla kundi ang mag-away nang mag-away.

BOOM: Sa Party Pilipinas ipapakita ang litrato ng anak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na si Baby Nathaniel James.

Binuo ni Ogie ang kantang Aking Anak na ginawa niya nung nagpa-check up si Regine at doon niya nakita ang mukha ng baby sa 4D ultrasound.

Pagkatapos ng check up na iyon ay tumuloy si Ogie sa guesting niya sa Startalk at doon niya kinanta ang unang bahagi ng Aking Anak pero hindi pa ito tapos.

Nung manganak si Regine, tinapos na ng singer-songwriter ang kanta para awitin niya sa Party Pilipinas sa Linggo.       

Ayaw muna ni Regine na lumabas dahil gusto muna niyang magbawas ng timbang.

Ang unang show na lalabasan ng Asia’s Songbird ay ang Valentine concert nila ni Ogie na gagawin sa Araneta Coliseum sa February 2012.

Show comments