Singer na balikbayan, mukhang pera!

Sino ba ’tong balikbayang singer na lahat ng labasan ay gustong may bayad siya? At hindi siya nahihiyang sabihin sa mga kumukuha ng kanyang serbisyo na kailangan niya ng pera. Maganda pa rin ang boses niya pero tumaba lang.

Okay din sa kanyang mag-guest sa mga programa na kakailanganin niyang umarte. Marunong naman siya pero kung talagang hard up siya, mas madaling magkapera sa pamamagitan ng pagkanta kesa mag-guest sa mga serye dahil maghihintay siya ng matagal-tagal na panahon bago siya makakolekta.

Fans ni Jolo nagdurugo ang puso

Dahilan sa sandaling pagkawala ni Jolo Revilla sa My Binondo Girl nang magkasakit ito, nakuha tuloy sa kanya ni Andi (Xian Lim) si Jade (Kim Chiu). Habang mabilis ang pagdami ng JaNdy (Jade-Andy) fans nina Kim at Xian, nagdurugo naman ang puso hindi lamang ang karakter ni Jolo sa teleserye ng ABS-CBN kundi maging ang aktor dahil hindi na pumapabor sa kanya ang kuwento.

Sapaw na sapaw na sila ni Matteo Guidicelli ni Xian. Baka nga kailangan na silang ihanap ng network ng sarili nilang kapareha dahil pareho na silang binasted ni Kim.

Isyu ng paglalasing ni John Lloyd natabunan ni Ram

Kung ang mga exes ni John Lloyd Cruz ay hindi bothered sa diumano’y pag-inom-inom nito, tama lang pala na hindi sila nagkatuluyan ni Ruffa Gutierrez dahil apektado ito kapag nalalasing siya. What his exes consider as normal drinking, iba na ang dating sa ex-Miss World Second Princess dahil ayaw niya ng lalaking binubuhat dahil sa kalasingan.

Masuwerte na rin si John Lloyd dahil hindi masyadong lumaki ang isyu niya with Shaina Magdayao and Ruffa. Napatungan ito ng isyu ng pagpatay kay Ram Revilla na hanggang sa sinusulat ito ay wala pang kalinawan ang kaso.

Hiling lang ng marami na malutas ito at hindi maisantabi.

Show comments