Iza bumigay na ang katawan!

PIK : Hindi na nakayanan ng katawan ni Iza Calzado, nagkasakit na ito habang nakaburol pa ang kanyang amang si Lito Calzado. Sa hospital palang habang nakaratay si Tito Lito ay si Iza na ang nag-aasikaso hanggang sa namatay, si Iza pa rin ang nag-aasikaso ng burol ng ama kaya bumigay na ang katawan nito.

Pero kailangan niyang magpakalakas kaya kahit masama na ang pakiramdam nito, pinilit pa rin niyang mag-asikaso ng mga bisita na nakiramay sa kanila.

Jaya tutuluyan ng travel agent

PAK : Itutuloy na raw ng travel agent na nag-asikaso ng plane ticket nina Jaya pa-Amerika ang balak na pagasampa ng demanda dahil hindi pa rin ito nababayaran hanggang ngayon. Ayon kay Jaya, ang producer naman ng show nila sa Amerika ang dapat managot nito dahil sila raw ang kumuha ng ticket, pero ang sabi ng travel agent, sina Jaya ang gumamit kaya madadamay din ito sa isasampang demanda.

Noong June pa raw iyon at hindi na raw siya pinapansin ng producer, at wala ring nagawa ang manager ni Jaya na si Maristel Sampedro na nangakong tutulungan siyang maningil. Kaya pursigido na raw ang travel agent na magsampa ng demanda, hindi lang sa producer at kay Jaya, kundi pati na rin ang manager nito.

Genelyn matagal nang tinatakot si sen. Bong

BOOM : Malumanay na magsalita si Genelyn Magsaysay nang in-interview ito ni Jessica Soho sa SONA sa GMA News TV. Si Manay Lolit Solis na ang sumasagot sa kanya, dahil ayaw nang patulan pa ito ni Sen. Bong Revilla. Mas gusto na lang daw tutukan nina Sen. Bong ang kaso para malutas na at managot kung sino talaga ang pumatay kay Ramgen.

May nakakarating pang nagsasalita pa rin daw itong si Genelyn na marami pa raw siyang pasa­sabugin laban kay Sen. Bong. Si Manay Lolit na mismo ang naghahamon na ilabas na ito ni Genelyn.

Matagal na raw gawain ‘yan ni Genelyn na manakot kay Sen. Bong at sa mga kapatid nito lalo na tuwing eleksiyon, kaya ituloy na raw niya ngayon kung meron nga itong ilalabas na pasabog laban kay Sen. Bong. Nagtataka si Manay Lolit kung ano ang galit nito kina Sen. Bong na lagi na lang niya itong ginagawa.

Show comments