^

PSN Showbiz

AiAi bakasyon ang birthday wish!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Malapit nang matapos ang shooting ng pelikulang pinagtatambalan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na Enteng ng Ina Mo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasanib-puwersa ang kanilang mga karakter bilang Ina Montecillo at Enteng Kabisote mula sa mga dating pelikula nina Vic at AiAi.

 “Napakaganda ng istorya at hindi natin inaasahan kasi kung iisipin natin, paano magme-merge si Ina at si Enteng? Nagawa namin na maganda at nakakatuwa kaya feeling ko fulfilling talaga,” pahayag ni AiAi.

Hinding-hindi makakalimutan ng comedy queen ang bawat pagkakataon na kasama niya si Bossing. “Harmonious, sweet, at gentleman kasi ’yun, napa­ka­bait. Bossing ko ’yun eh,” dagdag pa ng aktres.

Katatapos lang ding mag-celebrate ni AiAi ng birthday noong Nov. 11 at dinaluhan ng malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz ang kanyang party. Ang birthday wish lamang ni AiAi ay ang makapagbakasyon kasama ang kanyang tatlong anak.

“Gusto kong magpahinga kasi medyo napagod ako lately. So, ’yun lang ’yung wish ko ngayon. Ang magpahinga ng konti after nitong shooting. Sa December naman, lagare ’yun pero magbabakasyon kami ng mga bata sa April. Meron din akong gagawing konting show pero kasama ko silang tatlo,” kuwento pa ni AiAi.

Matteo maraming alam kina Kim at Xian

Walang kumpetisyon sa pagitan ng tatlong leading men ni Kim Chiu sa My Binondo Girl na sina Xian Lim, Matteo Guidicelli, at ang kababalik lamang mula sa kanyang pagkakasakit na si Jolo Revilla.

Ang tambalan nina Kim at Xian ang pinakama­lakas ngayon para sa mga manonood. Hindi naman nagseselos si Matteo sa magandang tandem ng dalawa.

 Bukod sa mga manonood ay suportado rin ni Matteo ang tambalan nina Kim at Xian kaya wala talaga itong isyu sa kanya.

“People love Xian and Kim. That’s good for them, I’m so proud of Xian, basta nandoon lang kami. Me, Jolo, and Xian, whatever the people like most. I told Xian kahit ano ang mangyari, walang kumpetisyon. Let’s all be happy for each other,” dagdag pa ni Matteo.

Saksi rin si Matteo sa magandang pagtitinginan nina Kim at Xian ngayon.

“Marami akong masasabi sa kanila, marami akong secret na alam. Ako ang nagbuko sa teddy bear na ibinigay ni Xian kay Kim. I’m so happy for them. I’m so happy for Xian and Kim,” pabirong sagot pa ng binata. — Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ENTENG

ENTENG KABISOTE

INA MO

INA MONTECILLO

KIM

MATTEO

XIAN

XIAN AND KIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with