MANILA, Philippines - Tutukan ngayong Sabado alas-diyes hanggang alas onse ng umaga ang GMA News TV show na Life and Style With Gandang Ricky Reyes dahil ang ihahatid ay ang detalye ng pagbisita ni Mader Ricky Reyes sa mga beauty and medical centers sa Thailand.
Ipakikita ang mga paraan ng pagpapaganda at pampapabata tulad ng anti-aging, colon cleanising, ironing of face, whitening of teeth and skin, at mga ehersisyo at panapal para mawala ang mga sakit ng buto at kalamnan.
At hindi lang mga Thai ang dapat hangaan sa paraan ng pagpapaganda. May interbyu si Mader Ricky sa mga Pinoy na sina Dr. Charlie Mendez, pangulo ng Philippine Aca-demy of Anti-Aging at Kat Azanza na may-ari ng Juju dietary drinks.
“Habang ang isang tao’y nagkakaedad, ’di siya dapat nasa bahay na lang at nagbibilang ng mga pilegis sa mukha o mga paglipas ng oras, araw, at taon. Dapat siyang patuloy na mag-enjoy sa buhay. Magpalakas, magpaganda, at ipakita sa buong mundo na – kalabaw lang ang tumatanda,” sabi ng host-producer na si Mader RR.
Ang Life and Style ay produksiyon ng ScriptoVision.
Journey may bagong album na
Ang American rock band na Journey ay naglabas na ng bagong album, ang Eclipse. Ito ang ika-14 na studio album ng banda at ikalawa naman na kasama na ang Pinoy vocalist na si Arnel Pineda.
May 12 tracks at mula sa MCA Music, ang carrier single ng Eclipse ay City of Hope. Isinulat ito ng songwriting team nina Neal Schon (guitarist, backing vocals) at Jonathan Cain (keyboardist, backing vocals), at kasama sa kauna-unahang pagkakataon si Arnel.
Ang iba pang miyembro ng Journey na 35 taon na sa industriya ay sina Dean Catronovo (drummer, percussionist, backing vocals) at Ross Valory (bassist, backing vocals).