MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na ang ama ni Iza Calzado kahapon, Nov. 11, ng hapon.
Ito ay unang ibinalita ng talent manager ng Kapuso actress na si Noel Ferrer.
Si Lito Calzado, na isang direktor at dating choreographer-dancer, ay matagal nang may sakit na liver cancer bago tuluyang bumigay sa naturang karamdaman. Pumanaw siya sa edad na 65.
Makikita ang mga labi ni Direk Lito sa Arlington Chapel.
Si Lito ang direktor ng Walang Tulugan with Master Showman na programa ni German Moreno.
Matagal din siyang naratay sa hospital bago tulu-yang binawian ng buhay.
Nanahimik si Iza sa matagal nang sakit ng kanyang ama.
Pacquiao-Marquez III: World Welterweight Championship, mapapanood sa GMA 7
Ngayong Linggo, Nobyembre 13, mapapanood sa GMA Network (GMA) ang pinakaaabangang labang Pacquiao-Marquez III: World Welterweight Championship sa pagitan ng pound-for-pound king at Filipino boxing hero na si Manny Pacquiao at ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez.
Matutunghayan ito via satellite mula sa Las Vegas sa GMA Channel 7 simula 11:00 a.m. May live blow-by-blow action din sa Super Radyo DZBB 594, 97.1 Barangay LS, at sa lahat ng RGMA Super Radyo at Campus Radio stations nationwide simula 9:00 a.m.
Itinuturing na fight of the century, ang ikatlong installment sa Pacquiao-Marquez match-up ang tatapos sa lahat ng alinlangan mula sa controversial draw sa una nilang paghaharap noong 2004 at sa split decision na panalo naman ni Pacquiao sa pangalawa nilang laban noong 2008.
Malampasan kaya ni Marquez ang bilis ng kamao ni Pacquiao? O maipagpapatuloy ng Pambansang Kamao ang kanyang pananalasa sa boxing ring?
Tampok din ngayong Linggo, 10:00 hanggang 11:00 a.m, sa GMA ang pre-fight special na Pacquiao-Marquez III: Magkalabang Mortal.
Pangungunahan ng veteran sportscaster na si Chino Trinidad, mapapanood sa special ang mga eksklusibong interview at footage mula sa ginawang paghahanda ng dalawang boksingero para sa ikatlo nilang pagtatapat.
Ang main event, Pacquiao-Marquez III: World Welterweight Championship, na magaganap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, ay matutunghayan via satellite sa GMA Channel 7 simula 11:00 a.m.
Bukod sa magiging resulta ng laban although alam na ng marami na mananalo si Pacman, inaabangan din ang sasabihin ni Jinkee na balitang nagtitimpi ng kanyang galit para hindi masira ang focus ng kanyang asawa sa magiging laban nito kay Marquez.
Nasa Amerika na si Jinkee.
Siyempre ayaw nga naman niyang matalo ang asawa.
Sayang ang bilyones na kikitain nito.