Aktor gustong makabili ng mamahaling kotse
Natsika sa aming gustong lumipat ng network ng isang young actor after his contract with a major network expires. In fairness, hindi nag-deny ang bagets nang aming tanungin at ‘di rin nagpalusot. Ang sabi lang nito, may kontrata pa siya sa home network niya until August 2012.
Naloka lang kami sa rason kung bakit gusto nitong lumipat, hindi sa kawalan ng project sa home network dahil hindi siya pinababayaan. Kung walang TV show, may movie siyang ginagawa. Gusto lang nitong makabili ng bago at mamahaling sasakyan at kilala ang gustong lipatang network na mataas magbigay ng talent fee.
Jennylyn kabado!
Nabasa namin ang tweet ni Jennylyn Mercado na kinakabahan siya dahil makakasama siya ni Ogie Alcasid sa pagho-host ng live gala at fourth elimination night ng Protégé dahil wala si Dingdong Dantes, nasa Las Vegas kasama si Marian Rivera para manood ng laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez.
“Kinakabahan ako, sana kayanin ko,” tweet ni Jennylyn. Mabuti na lang at walang Party Pilipinas dahil sa laban ni Pacquiao at sa Showbiz Central lang siya magre-report, kaya makakapaghanda siya.
Tuluy-tuloy na ang pagiging host ni Jennylyn at nakikita ng GMA 7 na kaya niya.
Nakarating din kay Jennylyn na bukod kay Raymart Santiago, natsismis din siya kay Paolo Contis na isang pamilyado at sabi nito baka pati kay Benjie Paras ma-link siya.
Alden nalulungkot ’pag naaAlala ang mommy
Nababahiran ng lungkot ang tuwa ni Alden Richards sa magandang takbo ng kanyang career dahil hindi na ito naabutan ng kanyang ina na pumanaw ilang taon na ang nakakaraan. Ipinagmamalaki ng young actor na sa mommy niya namana ang kanyang dimples na mas nagpapaguwapo sa kanya.
Tiyak na mapapansin si Alden sa The Road dahil sa kakaibang role at wala raw siyang double.
Si Anthony Hopkins ang peg ni Alden sa karakter niya sa movie.
Excited din si Alden sa Sundo, ang first primetime show niya at gaganap siyang kapatid ni Dingdong Dantes. Kung ang The Road ay showing sa November 30, ang Sundo ay January 2012 ang airing at papalit sa Amaya.
Bea at Jake hindi pababayaan
Siniguro ni Atty. Annette Gozon-Abrogar kay German Moreno na may kasunod na soap ang tambalan nina Bea Binene at Jake Vargas after magtapos ang Pahiram ng Isang Ina kahapon. Kasama rin ang dalawa sa cast ng Rhian Ramos-Aljur Abrenica movie na Kontrabida Girl na may 2012 playdate. Habang wala pang soap, patuloy silang napapanood sa Tweenhearts.
Nalungkot kami sa sunod na kwento ni kuya Germs na pagkatapos ng launching ng Profiles Magazine, agad umuwi sa Olongapo si Jake dala ang pinamiling Christmas tree at Christmas decors. Request ng may sakit nitong ina na magkaroon na sila ng Christmas tree at tinupad ‘yun ni Jake.
- Latest