Kumbaga sa pelikula, blockbuster ang pasiyam para sa direktor na si
Boots Platadahil sa rami ng mga tao na nagpunta sa Annabel’s restaurant noong Huwebes ng gabi.
Natupad ang wish ni Butse na imbes na magluksa, magkaroon ng malaking party ang kanyang mga naiwan na mahal sa buhay.
Nagmistulang maliit ang Patricia Hall ng Annabel’s dahil sa rami ng mga tao. As usual, tumakas ako pagkatapos ng misa at nabalitaan ko na lang na inabot ng hatinggabi ang send off party para sa mister ni Dolor Guevara.
Dumating sina Congressman Toby Tiangco, Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Mary Grace Poe, Raymond Bagatsing, Cherry Pie Picache, mga kapwa ko talent managers, at ang mga kamag-anak nina Dolor at Butse.
Nagkamali ng upo si Mons Tantoco dahil naki-join siya sa aming table. Tinuksu-tukso ko siya tungkol sa mga tsismis na nagli-link sa kanya kay P-Noy.
Itinanggi ni Mons ang balita at natawa lang siya sa biro ko na baka magkaroon ng double wedding sa 2012, ang kasal ng kanyang kapatid na si Congressman Roman Romulo at ni Shalani Soledad at ang pag-iisang dibdib nila ni P-Noy.
Mga nangyari sa 11-11-11 Kasal nina Nonito Donaire inilihim; LT lola na; Iza ulila na sa ama!
Marami ang nagpakasal kahapon dahil sa petsa na 11-11-11. Natuloy ang altar date ng mag-asawang Nonito Jr. at Rachel Donaire pero tila inilihim nila ang kanilang church wedding dahil hindi ito natunugan ng media.
Naging lola naman kahapon si Lorna Tolentino dahil isinilang ang kanyang unang apo, courtesy ng anak na si Rap Fernandez at ng girlfriend nito.
Maligayang-maligaya si LT sa pagkakaroon niya ng apo pero kung may good news, may sad news din, ang pagpanaw ni Lito Calzado, ang ama ni Iza Calzado.
Sikat na dancer, choreographer, TV director at producer si Lito na sumakabilang-buhay kahapon sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City dahil sa kanser.
Sumakabilang-buhay din noong Huwebes nang gabi ang nanay ni Reylie Manalo, ang executive producer ng Startalk. Kanser din ang ikinamatay ng ina ni Reylie at nakaburol ang mga labi nito sa Chapel 7 ng Garden of Memories, Bagong Calzada sa Pateros.
Nakikiramay ako sa mga naulila ni Lito at ng ina ni Reylie. Ipagdasal natin ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa.
Genelyn hindi na inuuwian ang bahay sa Parañaque
Totoo ang mga sinabi ko sa mga interbyu sa akin, nakapangalan sa mag-inang Genelyn Magsaysay at Ramgen Revilla ang bahay nila sa BF Homes, Parañaque City.
Ang sabi ng mga kapit-bahay, hindi na umuuwi si Genelyn at ang mga anak nito sa kanilang bahay kaya madilim ito.
Hindi na umuwi ang mag-iina buhat nang patayin si Ramgen sa kuwarto nito. Clueless ang mga kapit-bahay sa inuuwian ngayon ni Genelyn.
May nagkuwento naman sa akin na dinalaw ng mga kapatid ni Ramgen ang bahay nila sa Parañaque City. Bakas daw sa mga mukha ng kapatid ni Ramgen ang lungkot nang dalawin nila ang kanilang tahanan na naging tourist attraction dahil sa naganap na krimen noong Oct. 28.
Tahimik na si Ramgen pero walang kapayapaan ang naulilang pamilya niya na hindi naniniwala na may kinalaman sa pagpatay sa kanya ang mga kapatid na sina Ramona at RJ.
Tutukan n’yo nga pala ang Startalk ngayong hapon dahil ihahatid namin sa inyo ang mga bagong development sa pagpatay kay Ramgen, ang balita tungkol sa pagiging lola ni LT at ang pagluluksa ni Iza.