MANILA, Philippines - Last Friday, Nov. 4, alas-tres ng hapon ay ikinasal sa Seventh Day Adventist Church sa Pasay City ang dating sexy star na si Ramona Revilla sa kanyang American engineer-husband na si Frederick Farrell at ang reception ay ginanap sa Rizal Ballroom ng Shangri-La Makati Hotel. Si Ramona ay Mohsyl Ensafian sa tunay na buhay at bago ang kanilang church wedding ay ikinasal na ang dalawa sa Las Vegas, Nevada nung isang taon (Oct. 10) at sa San Diego, California na sila naka-base ngayon kung saan sila unang nagkakilala.
Before the church wedding, maraming tawag at text messages ang natanggap ni Ramona sa pag-aakalang siya si Ramona Bautista, ang half-sister ni Sen. Bong Revilla, Jr. na nadadawit ngayon sa pagkakapaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen (Bautista) Revilla. Pero ang mga nakakakilala at close kay Ramona the sexy star ay alam na iba siya sa Maria Ramona (Mara) na nasasangkot sa krimen. Maging ang husband niyang si Fred ay aware sa mga pangyayari.
Hindi nakarating si Sen. Jinggoy Estrada sa church wedding at maging sa reception dahil nasa ibang bansa ito pero nagpadala siya ng kanyang proxy. Si Imelda Papin naman na isa rin sa mga principal sponsors ay nagbigay ng surprise song (Endless Love) sa simbahan at nagpaunlak din ito ng ilang numbers sa reception maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Eileen Papin at maging ang pinsang-buo ni Rachel Alejandro na si Nino Alejandro. Tuwang-tuwa siyempre ang bagong kasal maging ang mga dumalong bisita, ganoon din ang parents, grandmother, at brother ng groom who flew all the way from New York, USA kung saan naka-base ang mga Farrell.
Sarah at Kim hinihintay nang magka-papa
Pagkatapos ng Catch Me… I’m in Love na unang tambalan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, heto’t after 10 months ay balik-tambalan ang dalawa sa pelikulang Won’t Last a Day Without You na joint production ng Viva Films at Star Cinema at nakatakdang ipalabas sa Nov. 23.
Loveless si Sarah ganundin si Gerald kaya hindi masamang magka-debelopan na ang dalawa.
Samantala, nahuhulog ang loob sa isa’t isa nina Kim Chiu at ang isa sa kanyang tatlong leading men sa My Binondo Girl na si Xian Lim. Hindi ikinakaila ni Xian na madaling mahalin si Kim.
Sen. Bong pinapasan ang responsibilidad ng buong Revilla
Kung tutuusin, hindi si Sen. Bong Revilla, Jr. ang panganay sa mga anak ni dating Sen. Ramon Revilla, Sr. pero siya (Bong) ang lumalabas na spokesperson ng pamilya lalo ngayong may sakit ang kanilang ama.
Malayo pa ang tatakbuhin ng masalimuot na kaso na may kinalaman sa pagkakapatay sa half-brother ni Sen. Bong na si Ramgen Revilla kung saan ay nadadawit ang dalawang kapatid ni Ram na sina Ramon Joseph at Maria Ramona o Mara.
Napakahirap ng situwasyon ni Bong at mahirap din sa ina nina Ram, Ramon Joseph, at Mara na si Genelyn Magsaysay.