Don Ramon matagal nang galit kay Genelyn

PIK : Bukas na ang schedule ng panganganak ng girlfriend ni Ralph Fernan­dez na si Leana.

Kamakalawa ng hapon lang nalaman nina Lorna Tolentino na hindi puwede kay Leana ang normal delivery at kailangan itong i-caesarean kaya sila na ang namili ng schedule kung kailan ito ooperahan.

Para memorable, ginawa nilang 11-11-11 ng 11 ng umaga.

Papangalanan nilang Lyla Victoria na hango sa pangalan ng Mommy ni Leana ang Lyla at ang Victoria ay kuha sa pangalan ni Lorna na Lorna Victoria.

PAK : Inamin naman ni Richard Gutierrez na in love siya ngayon pero ayaw na lang niyang pag-usapan pa ito dahil mas gusto niya ang tahimik na love life, lalo na’t non-showbiz naman ang girl.

Pero aminado si Richard na itong girl ang isa sa mga na-miss niya ng husto nung nasa Palawan siya para sa taping ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

“Ako, I just prefer to be quiet para hindi magulo. Of course na-miss ko rin siya siyempre.

“Sooner or later it will come out, the people will know. Ayoko na lang na manggaling sa akin kasi I prefer to be quiet now,” pahayag ng actor-TV host.

Sa Lunes na magsisimula ang Survivor Philippines: Celebity Doubles Showdown.

Base sa kanilang teaser, mas matindi ang labanan dito at talagang kakaibang karakter ang ipinakita ng mga celebrity castaways.

BOOM : Unti-unti nang naglalabasan ang iba’t ibang kuwento tungkol sa drama ng buhay nina Ramgen Revilla at ng pamilya nito.

Lumabas na rin ang kuwentong may malaking pagkakautang si Genelyn Magsaysay sa credit card na umabot ng mahigit dalawang milyong piso.           

Nakarating na sa amin ang kuwentong iyan nung inilibing si Ram. Mismong mga kapatid ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang nag-ayos na mabayaran na ikinagalit ng husto ng dating Sen. Ramon Revilla, Sr.

Ang pagkakaalam namin, matagal nang galit si Don Ramon kay Genelyn dahil sa mga nakakarating sa kanya na kung anu-ano ang mga pinaggagagawa nito.

Napansin namin nung unang gabi ng burol ni Ramgen, hindi kinakausap ni Don Ramon si Genelyn.

Nasa chapel pa ng Angelus Eternal Garden unang inilagak ang mga labi ni Ramgen, pero nang dumating si Don Ramon ay pinalipat niya ito sa kanilang mausoleum.

Pagkatapos itong inilipat, biglang nawala si Genelyn at hindi na ito nagpakita habang nandun si Don Ramon.

Show comments