^

PSN Showbiz

Dingdong pinatataba ni Marian!

- Veronica R. Samio -

Kung hindi mag-iingat si Dingdong Dantes, baka lumobo siya sa kakakain ng carrot cake na bini-bake ng girlfriend niyang si Marian Rivera para sa kanya. Pero hindi hahayaan ng aktres na makaapekto sa trabaho ni Dingdong ang pagbi-bake niya ng paborito nitong cake. Hindi niya dadalasan ang pagluluto at babantayan ang dami ng kakainin ng bf. Maiintindihan naman ng aktor na kapakanan niya ang inaalagaan ng kanyang girlfriend kaya hindi niya hahayaang tumaba siya, gaano man kasarap ang carrot cake. Next time baka hilingin niyang sugar free na lamang ang i-bake ni Marian.

Samantala, unti-unti nang nakikilala ang pagiging mahusay na baker ni Marian. Bukod kay Dingdong, mapatutunayan din ng kanyang lola na walang sasarap pa sa chocolate cake ng kanyang apo. Ito ang palagi niyang request na i-bake ni Marian. Kung makakaya lang ni Marian, she can turn her hobby into a good business endeavor pero ’yun nga lang busy siya sa pag-aartista. Ayaw naman niyang kung magnenegosyo siya ay ipagkatiwala ang pagbi-bake sa iba, gusto niyang siya mismo ang gagawa.

Viewers dalang-dala kay Gerald

Paano ba hindi magwawagi sa ratings ang Budoy na tinatampukan ni Gerald Anderson eh lahat ng nakakapanood nito ay nagsasabing ito ang pinakamagandang serye sa TV ngayon? Dalang-dala sila ng mahusay na pag-arte ni Gerald at ang magandang takbo ng istorya na talaga namang pinagtutuunan ng creative team at hindi hinaha­yaang lumaylay.

Appreciated din ng mga viewers ang hindi pagiging salbahe ni Enrique Gil at ang maganda nitong pakita sa BFF ng GF niya na ginagampanan ni Jessy Mendiola. Hayaan na ang pagiging kon­trabida kay Mylene Dizon dahil kaya naman nitong maghasik ng lagim sa lahat ng kinauukulan.

Nakakatulong ng malaki ang 100 Days to Heaven para matutukan ng maraming manonood ang Budoy.

Hindi ko lang malaman kung sa Biyernes pa o sa Lunes magtatapos ang kasaysayan ni Anna Manalastas dahil huling limang araw na ito, na ang ikalimang araw ay papatak ng Lunes. Hindi naman mami-miss si Xyriel Manabat dahil may kasunod agad ito na serye, na pagsasamahan nila ng mga kabataang artista na tulad niya, gaya nina Zaijian Jaranilla, Mutya Orquijo, at Louise Abuel.

Cinema One Filmfest Nag-Umpisa Na

Nagsimula na ang ika-pitong Cinema One Originals Film Festival kahapon. Nagkaroon ito ng isang opening ceremony at gala premiere sa Edsa Shangri-La Mall Cineplex na nagtampok sa tatlong pelikula. Ang Sa Kanto ng Ulap at Lupa ni Mes de Guzman, Anatomiya ng Korupsiyon ni Dennis Marasigan at ’Di Ingon Nato  (Not Like Us) nina Brandon Relucio at Ivan Zaldarriaga.

Pinili mula sa mapanuring deliberasyon sa daan-daang lumahok, ang 10 entries sa kakaiba at ka­yang makipagsabayan hindi lamang sa kapwa Pinoy kung hindi maging sa ibang bansa.

      

vuukle comment

ANNA MANALASTAS

BRANDON RELUCIO

BUDOY

CINEMA ONE FILMFEST NAG-UMPISA NA

CINEMA ONE ORIGINALS FILM FESTIVAL

DENNIS MARASIGAN

DI INGON NATO

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with