MANILA, Philippines - Nakikilala na si Ayen Laurel at dumarami na ang fans dahil sa Amaya na umeere gabi-gabi sa GMA 7 na pinagbibidahan ni Marian Rivera. Ayon sa singer-actress, demanding ang epicserye. “But you forget that when you see the results. It truly is one of the most beautiful Filipino TV series ever done,” sabi ni Ayen.
Isang orihinal na serye ang Amaya na ang panahon ay pre-colonial pa kaya walang masasabing kapareho ang karakter na maaaring gayahin ni Ayen bilang si Hara Lingayan, ang asawa ni Rajah Mangubat (Gardo Versoza).
Dito niya inilalabas ang emosyon ng selos, galit, at taliwas sa tama. Masunurin at tahimik pero matapang ding asawa.
Isa pa, dalang-dala ng aktres ang pagiging maharlika hindi lang dahil sa mga magagandang costume na isinusuot.
Naging challenge rin kay Ayen ang pag-aaral ng lengguwahe noong panahon sa Central Visayas na siyang ginagamit sa epicserye.
Nasa cast din ng Amaya sina Sid Lucero, Glaiza de Castro, Lani Mercado, at Gina Alajar.