Kasama sa “think tank team” at “brainstormer” lang ang tawag ni Lorna Tolentino sa involvement niya sa story ng Glamorosa. Nagsa-suggest lang siya ng idea na tingin niya ay makatutulong para mas gumanda ang dramaserye ng TV5 na kanyang pinagbibidahan para everybody happy daw.
Dagdag excitement kay LT na first time niyang gumanap na doctor at cosmetic surgeon pa. First time niyang makapareha si Zoren Legaspi at reunion naman nila ni Direk Eric Quizon na nakasama niya dati sa Pusong Mamon. Nag-spoiler tuloy si LT na gusto ng TV5 i-remake ang Pusong Mamon at siguro naman may talent ang network na gaganap sa role ni Albert Martinez.
Samantala, may update sa Twitter account niya si LT sa number ng taping days niya sa Glamorosa and as of last Monday, 11 days na siyang nagti-taping.
Amalia Fuentes inisnab ang kapatid
Hindi nagtagumpay ang Archangel Media na kumbinsihin si Amalia Fuentes na magbalik-showbiz sa remake ng Valiente.
Kahit wala si Amalia, malaki pa rin ang cast ng Valiente dahil bukod kina JC de Vera at Oyo Sotto, join din sina Nadine Samonte, Tony Mabesa, Niña Jose at Racquel Villavicencio, ang magkapatid na Michael de Mesa at Mark Gil at sina Jaclyn Jose at Cherry Pie Picache. Hindi nag-usap pero nagbeso sa storycon ang mag-ex na sina Nadine at Oyo na gaganap na magkapatid.
Sa Nov. 14 sisimulan ni Direk Joel Lamangan ang taping ng Valiente at isa sa location ay ang Leviste Mansion sa Lipa City. Hindi natanggihan ni Direk Joel ang project dahil friend niya si Tony Tuviera.
Foreign Executive ng SP nagustuhan ang Palawan
Si Julie Dick pala ang taga-Castaway Productions na tinukoy ni Richard Gutierrez na bumisita sa shoot nila ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown sa San Vicente, Palawan.
Kung may mga nagrereklamo sa mga viewers, nagustuhan naman ni Ms. Dick ang location based sa teaser ng reality show.
Sabi ni Richard, happy at impressed si Ms. Dick sa location at mga challenges na ipinagawa nila sa castaways at bumilib sa discipline ng local production. Binanggit din ni Ms. Dick ang mga bansa kung saan ginawa rin ang Survivor Philippines.
Viewers pakakabahin ng doble ng mga Batang Heredera
Doble ang kaba factor ng mga viewers na nanonood ng Munting Heredera dahil sa paghahanap ng lahat kay Jennifer (Mona Louise Rey). Sa episode mamaya, iiwan ang bata ni Manny (Roderick Paulate) sa gubat para tulungan ang kaibigan na mabawi ang asawa sa mga kumuha rito.
Muntik magkita sina Manny at Jacob (Mark Fernandez) at si Simeon (Neil Ryan Sese), hindi tumitigil sa pagkilos na makuha si Sandra (Camille Prats). Balak pa nitong looban ang bahay ni Stanley (Bobby Andrews) para makuha si Sandra.