^

PSN Showbiz

Kaya 'di nagsisigarilyo, Cesar gustong humaba ang buhay

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pangungunahan ni Cesar Montano ang Kick the Habit 2: Love and Run to a Healthy Lifestyle, isang health and anti-smoking campaign sa pamamagitan ng fun run event sa November 26, Sabado sa Quirino Grandstand. Assembly time is 4:00 a.m.

Isa si Cesar sa iilang artista na nangangampan­ya for anti-smoking.

Aminado siyang nag-try mag-yosi pero hindi niya ito nagustuhan. “Parang part ng curiousi­ty mo ‘di ba. So I tried it, pero hindi ko gusto. Ang paki­ramdam ko, amoy ashtray ka pagkatapos magsigarilyo. Kahit noon pag nagba-bar ako, hindi ako nakakatagal. Sumasakit ang mga mata ko kaya lumalabas ako,” sabi ng aktor sa launching ng anti-smoking fun run kahapon sa kanyang restaurant na Bellisimo.

Bukod sa nababahuan siya sa amoy nito, naisip niya ang masamang epekto nito sa kanyang kata­wan.

Kaya nga ang advice niya sa mga artistang naninigarilyo, tantanan na ito dahil hindi ito makakatulong sa kanilang kalusugan. “Mas hahaba ang buhay ninyo,” paalala niya.

Pero hindi siya pabor sa gusto ni MMDA Chairman Francis Tolentino na tanggalin ang mga ekse­nang nagyoyosi sa mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival this year. “Hindi naman puwede ‘yun. Kasi sa pelikula may black and white. Paano kung ang kuwento eh tungkol sa dating masamang tao na naging mabuti,” katuwiran ng aktor na mananatiling Kapuso.

Bukod sa hindi paninigarilyo, hindi na rin tumitikim ng alak ang aktor. “Red wine na lang. Good for digestion pa,” sabi niya.

Anyway, may inaayos lang sa contract niya sa GMA 7 at any moment ay magri-renew siya - two years contract.

Kasama sa pipirmahan niya ang isang teleserye, isa pang show - na ang wish niya ay ang ibalik ang Andres De Saya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung bakit nawala sa ere samantalang maganda naman ang itinatakbo ng programa nila.

Next year na ipalalabas ang pelikula niyang dinirek – Hitman – January.

‘Yung nilulutong movie nila ni Robin Padilla ay wala pa palang linaw dahil busy pa si Robin. Pero may isang pelikula naman siyang gagawin next year – ang film bio ng national artist for literature na si Alejandro Roces na ang magiging highlight ay ang pakikipag-negotiate nito sa mga nagnakaw sa National Library ng El Filibusterismo, Noli Me Tangere, at Mi Ultimo Adios. Eh Education Secretary si Mr. Roces noon kaya ang dating publisher ng Manila Times ang nakipag-negotiate sa mga nagbitbit ng original copies ng libro ng national hero – Jose Rizal.

Nai-excite si Cesar sa nasabing project at kasalukuyan na siyang nagri-research tungkol kay Mr. Roces na kelan lang namatay.

Aalis si Cesar ngayong araw para manood ng laban ni Pacman. Wala silang kasamang anak ni Sunshine.

Pero on the 24th ay babalik siya dahil nga Nov­ember 26 ang anti-smoking fun run. Tatakbo siya ng 10k.

Nasa ika-second year na ang Kick the Habit… Si Ronald de los Reyes ang head ng Kick the Habit Foundation.

ALEJANDRO ROCES

ANDRES DE SAYA

BUKOD

CESAR MONTANO

KICK THE HABIT

MR. ROCES

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with