Kim Chiu at Xian Lim nagka-inlaban na
Marami ang natutuwa sa balitang nakakita na si Kim Chiu ng isang bagong pag-ibig sa katauhan ng isa sa kanyang tatlong leading men sa My Binondo Girl na si Xian Lim. Parehong brokenhearted ang dalawa na pinagtagpo ng kapalaran sa isang serye na magsisilbi palang isang paraiso para sa kanila.
Matatandaan na naunsyami ang pagtingin na dinadala ni Xian para kay Erich Gonzales dahil nagsilbi siyang threat sa lumalagong popularidad ng Erich/Enchong Dee love team. With Gerald Anderson out of the way, at dahil single naman si Kim, walang dahilan para hindi yumabong ang lumalalim na friendship nila, lalo’t sa serye na nilalabasan nila ay nakaisa na si Xian sa dalawa niyang karibal kay Kim, sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli.
Maraming palatandaan na nagpapakita ng kakaibang feeling si Xian kay Kim. Tulad na lamang ng ibinigay niyang isang life-size teddy bear na narinig lang niya na sinabi na gusto ng young actress at dahil isa ring musikero, may ginawang awitin si Xian na para sa leading lady na pinamagatang Ako’y sa ’Yo Lamang. Siyempre, touched ang ex ni Gerald dahil marami ang nagsasabi na bagay sila ni Xian at magkakatuluyan sila dahil nagkakahawig sila. Pero bukod dito witness siya sa pagiging thoughtful at mabait nito. Kim feels na bihirang lalaki ang romantiko pero nakita niya na hopeless romantic ito. She just wish na mas lumawig pa ang kung anumang relasyon meron sila ngayon.
Ruffa wini-wish na magkaayos sina JL at Shaina
Garantisadong nakaapekto ng malaki kay John Lloyd Cruz ang mga naging revelations ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi nung Linggo ng hapon. Bukod sa pinatunayan ng isa sa mga TV hosts ng programa na kasalukuyang nasa Dubai para sa audition ng Talentadong Pinoy na wala siyang kinalaman sa breakup ng John Loydie/Shaina Magdayao split ay may back up ang lahat ng mga sinabi niya ng mga palitan ng text messages nila ng aktor at maski ni Shaina na ang gamit ay cell phone ng boyfriend. Kumpleto kasi ang araw at oras ng pagpapadala nito.
Ang sinasabi palang pasabog ni Ruffa ay ang matagal nang naririnig na paglalasing ni JLC, pero walang naniniwala dahil walang mga kongkretong ebidensiya na lumalabas. Sinabi ng nag-iisang babae ng pamilya Gutierrez na isa ito sa malubhang dahilan kung bakit niya inayawan ang aktor who, in fairness kay John Lloyd, ay binigyan naman siya ng babala sa kanyang bisyo na say niya ay baka nga ikasira ng kanyang loob kapag nagkakilala na sila ng lubos. Minsan ay nakita mismo ng mga mata ni Ruffa ang apat na kalalakihan na binubuhat si Johh Lloyd dahil bagsak o tulog na ito sa sobrang kalasingan. ’Di niya ’yun nakayanan. Pormal silang naghiwalay nung Pebrero ng taong 2010. Simula nun wala na silang komunikasyon na masasabing romantiko at kung nagti-text man sila, ito ay bilang magkaibigan na lamang.
Sinabi rin ni Ruffa na si JLC ang naghahabol sa kanya at hindi siya. Meron nang nagpapasaya sa kanya ngayon kaya imposibleng magkaroon pa siya ng damdamin dito. Hinahangad din niya na magkaayos sila ni Shaina.
Cinemanila 13th Years Na
Simula na ng 13th Cinemanila International Film Festival sa Biyernes, Nov. 11. Walumpung pelikula ang mapapanood sa loob ng pitong araw na gawa ng mga local and foreign producers sa dalawang malalaking sinehan sa Taguig City, ang Market! Market! at Fully Booked. Isang 3D movie na pinagtulungang buuin ng Germany, France, at UK ang magbubukas ng festival. Pinamagatan itong Pina.
Entry din ang anim na oras na pelikula ni Lav Diaz na pinamagatang Siglo ng Pagluluwal (Century of Birthing).
Samantala, si Nora Aunor ang napili ng Cinemanila para pagkalooban ng Lifetime Achievement Award.
lt at Alice may away
Akala ko ay pang-promo lamang ng Glamorosa ang parang pag-iisnaban nina Lorna Tolentino at Alice Dixson sa grand launch ng bagong programa ng TV5 kamakailan. ’Yun pala ay totoong may gap ang dalawang magagandang artista ng Glamorosa. Ano kaya ang dahilan ng pagkakaroon nila ng differences?
- Latest