Bakit ba ang daming pumupuna sa ginawang pagdadalamhati ni Charice at maging ng kanyang ina sa lamay at hanggang sa libing ng kanyang ama? Paano naman nila nasabing put on lang ang nakitang kalungkutan sa mag-ina? Pati ba naman pagdadalamhati, may level-level? Kung ’yun ang paraan nila sa pagdadalamhati, sino tayo para humusga?
Hay, naku, let’s not put a problem where there’s none. Igalang na lang natin ang kanilang pagdadalamhati, tunay man ito o hindi. Sila naman ang huhusgahan ng Panginoon at hindi tayo. Let us hope na magkasundu-sundo na silang magpapamilya para maging maligaya na sila ng lubos.
Marian Versatile
sang comedy naman ang isusunod ng GMA 7 na project para kay Marian Rivera. Aba, mabuti naman, pagkatapos ng napakahirap na gawing Amaya, mamaniin lamang niya ang pagpapatawa.
Ito ang maganda kay Marian, napaka-versatile niya. Kaya niyang paiyakin ng balde-balde ang manonood pero kaya rin niya silang pagulungin sa katatawa. Sa kagalingan niyang magpatawa, maski sarili niya ay napapatawa niya. Kaya siguro siya mahal na mahal ni Dingdong Dantes dahil napapatawa niya ito ng madalas. Ganun nga ba, Dong?