SEEN: First Princess o 1st runner-up sa 60th Miss World si Gwendoline Ruais ng Pilipinas. Si Miss Venezuela Ivian Sarcos ang nanalong Miss World ng 2011.
SCENE: Ru-WAIS ang pronunciation ni Anthony Taberna sa apelyido ni Gwendoline. Ru-WEY ang wastong bigkas sa apelyido ng French-Filipina beauty queen.
SEEN: Patalbugan ang ABS-CBN, GMA 7, at TV5 sa coverage ng murder case ni Ramgen Revilla.
SCENE: Inoperahan kahapon si Janelle Manahan dahil sa mga fractures sa kanyang mukha. Si Janelle ang girlfriend ni Ramgen na nag-iisang saksi sa pagpatay sa kanyang boyfriend.
Mahigpit ang seguridad sa ospital na kinaroroonan ni Janelle.
SEEN: Ang statement ni Ramona Bautista na tinalukbungan niya ang nagdurugong mukha ni Janelle na tinamaan ng bala at ang reklamo ni Janelle na hindi ito makahinga.
Sinabi rin ni Ramona na hindi na kumikilos si Janelle nang umalis siya sa crime scene. Kung namatay si Janelle, mahihirapan ang Parañaque Police na isangkot si Ramona sa krimen.
SCENE: Sagot ng Revilla family ang pagpapa-ospital sa injured girlfriend ni Ramgen.
SCENE: Pinagdududahan ang kasarian ni Kenneth Monico dahil sa kanyang mga kaartehan. Contestant si Kenneth ng Protégé at si Jay-R ang kanyang mentor.
Palaging nagtatampo si Kenneth kay Jay-R.