MANILA, Philippines - Nagbukas na ang pinakahihintay at pinakabagong restaurant sa Quezon City. Ang Sir Boy’s Food Republique na matatagpuan sa No. 29 Panay Avenue corner near Roces Street, Quezon City. Malapit din sa Capitol Medical Center.
Bongga ang restaurant na ini-endorse ni Boy Abunda at pagmamay-ari ni Boy So ng La Carmela Group of Companies. Mura na masarap pa. Ang pinaka-attraction ng Sir Boy’s Food Republique ay ang buffet na P99 lang (10 a.m. to 10 p.m.). May pagpipilian ding Dimsum Boy (pork siomai, chicken feet, kutchay dumpling, spare ribs, wanton noodles), Sir Boy’s BBQ (pork and chicken BBQ, Bam-i), Sweet Boy (all cakes and pastries), at Sir Boy’s Dampa (fresh seafood na iihaw o isisigang). Hindi kasama ang ibang food outlet na ito sa eat-all-you-can food trip na P99.
Unique ang Sir Boy’s Food Republique dahil paiba-iba ang menu nito araw-araw. Kasya hanggang 300 katao sa restoran kaya ideal na lugar ito upang I-celebrate ang mga mahahalagang okasyon tulad ng birthdays, breakfast club, at iba pa.
Para sa iba pang impormasyon, mag-text o tumawag sa 0917-6388003 o sa 227-0300.