Nasaan ka, Erika?

MANILA, Philippines - Kung ang buong bayan ay hinahanap si Elisa, ang buong puwersa naman ng XXX ay hinahanap si Erika. 

Huling linggo ng Setyembre nang mawala sa isang mall sa Caloocan ang isang taong gulang na sanggol na si Erika at malinaw sa CCTV camera na isang babae ang kumuha sa kanya.

Ilang araw matapos ang insidente, nahuli na ng pulis ang babaeng nakilala sa video ngunit wala na si Erika sa kanyang kamay dahil naipagbili na niya ito. 

Sobrang dismayado ang pamilya ni Erika ngunit desidido pa rin silang hanapin ang anak.  

Mahanap pa kaya si Erika? Nasaan na nga kaya siya? 

Hinirang na best public service program sa katatapos lang na 20th KBP Golden Dove Awards, ang XXX ay nakapagsiwalat na ng maraming katiwa­lian sa lipunan. Ilan sa mga pinakapinag-usapang isyu sa bansa ay dahil sa exposé ng programa tulad ng lolang walang awang kinulong at minaltrato sa loob ng kulungan ng aso at ang paglabas-masok ni dating Batangas Governor Antonio Leviste. Ang dalawang naturang expose ay parehong nominado para sa Outstanding Crime/Investigative Program category sa nalalapit na Golden Screen Awards for TV. Nominado rin ang programa para sa best public service program maging anchors nito para sa best public service program host sa gaganaping Star Awards for TV. 

Tutukan ang paghahanap na sinagawa nina Anthony Taberna, Pinky Webb, at Julius Babao ngayong Lunes (Nov. 7) sa XXX, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN. Mapapanood din ito sa DZMM TeleRadyo sa parehong araw sa ganap na 9:15 p.m.

Show comments