Genelyn Magsaysay inililigaw ang issue sa mga anak!
PIK: Bukas ay ilo-launch ang bagong magazine na Profiles ng PREF Media na pinangungunahan ni Ms. Rosemarie Basa.
Gaganapin ang launch na ito sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La na kung saan dadaluhan ng mga talents ng GMA Artists Center (GMAAC) suot ang mga inihandang damit na ginawa ng mga kilalang designers.
Inaasahang magarbo at glamorosa ang launch na ito sa tulong ng GMA Artist head Ms. Ida Henares.
Nakapaloob sa magazine na ito ang mga kilalang talents ng GMAAC, at first time sa isang magazine na siyam ang cover.
Ilan sa mga talents ng GMAAC na nasa cover ay sina Iza Calzado, Jackie Rice, Rhian Ramos, Tim Yap, at sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, at Bela Padilla.
PAK: Parang ang plastik ng dating sa amin ang paghagulgol ng mag-inang Racquel at Charice Pempengco sa libing ni Ricky Pempengco na ginanap sa Cabuyao, Laguna kamakalawa ng hapon.
Nagsisigaw pa raw itong si Racquel sa mga taong nakikiusyuso sa libing at pati sa media na nag-cover doon.
Ang obserbasyon lang namin, pagkatapos ng mga sinabi nitong Racquel laban sa dating asawa noong nabubuhay pa ito, at sa aming pagkaalala, hindi naman na-acknowledge ni Charice ang kanyang ama nang magsimula itong sumikat.
Kung hindi kami nagkamali, tingin naman namin parang walang magandang pinagsamahan sila kay Ricky, kaya bakit ganun na lang sila kung makahagulgol at makangawa sa libing nito.
Na-enjoy ba ng husto ni Ricky Pempengco ang kasikatahan ni Charice? Nakatanggap ba siya ng tulong mula sa kanyang anak?
BOOM: Ayaw nang patulan pa ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang huling pahayag ni Genelyn Magsaysay kaugnay sa kasong pagpatay kay Ramgen Revilla.
Medyo personal na ang mga tira ni Genelyn laban kay Sen. Bong pero ayaw nang patulan pa ito ng senador.
Ang tanging hangad ni Sen. Bong ay malutas ang pagpaslang kay Ramgen na anak ni Genelyn.
Bakit hindi na lang daw pabalikin nito ang anak niyang si Ramona Bautista dahil sa nasasangkot ito sa kaso?
Kung hindi naman daw ito guilty, sana hinarap niya ito para hindi na lalong madiin ang isa pa niyang kapatid na si Joseph na nakakulong pa rin hanggang ngayon at nadadamay sa kaso.
Sinabi pa ni Genelyn na mas mabuting tingnan ni Sen. Bong ang kanyang mga anak.
Di ba dapat mas tingnan at bantayan ni Genelyn ang kanyang mga anak kung bakit umabot sa ganitong gulo?
Huwag nang iligaw ang isyu! Harapin ang totoong isyu at kailangang malutas itong kasong pagpaslang kay Ramgen.
- Latest