Kung kailan naman malapit na ang promo ng Ang Panday saka naman may malaking eskandalo sa pamilya nina Sen. Bong Revilla, Jr.
Matagal ginawa ang nasabing pelikula na pang-Metro Manila Film Festival pero paano siya makakapag-concentrate kung may malaking eskandalo sa kanyang mga kapatid sa ama na ang lalong ikinagalit ng senador ay ang paglayas ni Ramona Bautista sa Pilipinas, isa sa mga suspek sa pagpatay sa sariling kapatid na si Ramgen at sinasabing kasabwat ng isa pa nilang kapatid na si Ramon Joseph.
Millions ang ginastos ni Sen. Bong sa pelikulang ito kaya kailangan naman niyang makabawi. Sayang naman dahil sabi ay maganda ang pelikula at maraming special effects.
Original Singer second voice lang version ng Sometimes When We Touch ni Pacman nasa album ni Dan Hill
Kasama sa Intimate Dan Hill The Platinum Collection ang version ni Manny Pacquiao ng Sometimes When We Touch, ang favorite song ng Pambansang Kamao. Second voice lang ang original singer na si Dan Hill sa version ni Pacman.
Very Manny ang pagkakanta at ka-line up niya sa album ang iba pang hit songs ni Dan Hill na kino-consider na second home ang Manila dahil kay Pacman.
“As a singer/songwriter I’ve traveled the world several times over and never have been so moved by the heart and soul of the people as I have in the Philippines. Music, passion, romance, poetry: it all abounds on the streets of Manila. Everywhere I turn people are singing. Every place I go people ask to sing with me. Not to be the next Celine Dion, but simply because the love of music, of singing is so deep.
“Then there’s the touching hospitality, the generosity that abounds in this complex, mystifying and magical country. While I’ve written and recorded hit songs, for myself and for other artists, world wide, I’ve found that my unabashedly romantic style is embraced with more love and soul in the Philippines than anywhere else,” sabi niya sa album cover.
“Certainly, my friend, musical collaborator and inspiration, Manny Pacquiao, has given me many profound lessons about the history of this courageous country. Where the Philippines has been and where it’s going. I would love to make Manila my second home, as for me my Intimate Platinum release (including new songs never released before) is more than releasing another CD. It’s my musical love letter to the Philippines. My way of saying, it will be my honor and privilige to be a tiny part of your thriving culture for as long as I live and breathe and sing and write.”
Available na sa lahat ng record bars ang Intimate Dan Hill The Platinum Collection under MCA Universal.
Regalo ng young actress ‘hindi nakarating’ sa mga pinadalhan
Maagang nagpadala ng Christmas gift ang isang young actress. Na-appreciate ng mga pinadalhang press ang nasabing regalo dahil sa dinami-rami ng artista ay hindi nila ini-expect na siya ang kauna-unahang magpapadala ng regalo.
Ang kaso, hindi nakarating sa iba ang mga ipinadala niyang regalo.
Hindi yata na-orient ng young actress ang kanyang messenger or personal assistant dahil napunta sa ibang opisina ang mga regalo niya sa ilang taong pinadalhan niya.
May expiration date pa naman ang nasabing gift.
Ang mga guards sa ibang opisina ang namomroblema dahil hindi nila kilala ang mga pangalan sa regalo ng young actress.
Lesson learned: I-double check ang mga pangalan ng padadalhan at siguruhin kung saan ang mga opisina.
Sayang ang effort.