Kim pinopormahan na talaga ni Xian

Namamayagpag sa Primetime Bida ang teleseryeng My Binondo Girl ni Kim Chiu. Ngayon ay si Xian Lim na ang madalas kapareha ni Kim sa serye kaya umusbong ang tambalan nilang dalawa. May mga nagsasabing tinototoo na ni Xian ang pagpaparamdam niya kay Kim. Ang binata na kaya ang tunay na nagpapatibok sa puso ni Kim ngayon?

“’Di naman kami nag-uusap sa mga eksena namin eh. Kinakausap kami ni Direk, nilalaru-laro lang namin, tingin, tawa-tawa, smile-smile. Hindi namin alam na marami na palang natutuwa,” kuwento ni Kim.

Ayon naman kay Xian ay madalas din niyang nami-miss ang dalaga. “To be honest, may mga times of course I’m so used to seeing her, na parang kailan ba ako malilipat sa kabilang unit? Siyempre I’m only human. I’m just happy kapag magkasama kami,” pagtatapat ni Xian.

Isang life-size teddy bear din ang ibinigay ni Xian kay Kim kamakailan at nagsulat din ng isang kanta ang binata para sa young actress.

“I overheard na she wanted a life-size teddy bear because nga mag-isa lang siya sa house. At times when she gets lonely, she wants ’yun nga ’yung teddy bear. It’s more of my appreciation towards Kim. It’s more me showing respect. Me showing how much she’s worth. She deserves everything,” paliwanag pa ng binata.

Natutuwa naman si Kim sa mga ipinapakitang kabutihan sa kanya ni Xian. “Nakakatuwa siya, thoughtful, napakabait, hopeless romantic. Siyempre konti na lang ang ganun ngayon,” nakangiting sagot naman ni Kim.

Bagong Housemates ipinakilala na

Mamayang hapon ay magsisimula na ang pinakabagong pakulo ng Pinoy Big Brother Unlimited season, ang Unli-Day at Unli-Night housemates. Noong Sabado ay ipinalabas na ni Big Brother ang anim na housemates mula sa “looban” (ang barong-barong na bahay).

Marami tuloy ang nag-akalang evicted na sila kaya emosyonal na nagpaalam sa mga kasamahang housemates. Ang naging twist, lumipat lamang ang anim sa mas maayos at magandang bahay ni Kuya.

Samantala, ilang bagong housemates naman ang pumasok at ipinakilala upang maging bahagi ng Pinoy Big Brother Unlimited season. Kabilang dito sina Jerico (ang hunky cabalen ng Pampanga), Diane (ang seksi bossing ng Quezon City), Tol (ang sweet father ng Surigao del Sur), Casey (ang Uragon na DJ ng Legaspi), Wendy (ang bida rampadora ng Muntinlupa), Joya (ang bini-brainy ng Negros Occidental), Eting (ang sekyulele ng Cebu), Jessica (ang Pinay Snow White ng Taguig City), Lordwin (ang maabilidaddy ng Quezon), Lyn (ang housemaid of honor ng Surigao), Erika (ang loving nanayuki ng Bacolod), Unad (ang maginoong barako ng Batangas), Steph (ang benta beyb ng Leyte), Mark (ang model lover ng QC), at si Naprey (ang strong wheeled teacher ng Davao).

Ang pito mula sa bagong housemates ay mapapabilang sa “looban” na siyang magiging tampok sa Unli-Night housemates kasama si Toni Gonzaga bilang host. Habang ang iba naman ay makakasama sa bagong bahay ni Kuya na siya namang magiging tampok sa Unli-Day housemates kasama si Bianca Gonzalez bilang host. — Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                 

Show comments