Hit teleserye ni Gerald, worldwide trending topic uli sa Twitter
MANILA, Philippines - Mainit na pinag-usapan muli ang Budoy kamakailan sa Twitter dahil sa markadong linyang “Be Happy! Be Budoy” ng karakter ni Gerald Anderson sa pinakamalaking family drama series ng ABS-CBN.
Noong Miyerkules (Nobyembre 2), naging worldwide trending topic sa patok na microblogging site ang nasabing linya mula sa eksena kung saan hinikayat ni Budoy ang mga tao na maging masaya at tularan siya.
Bumuhos ang mga positibong tweet tungkol sa Budoy.
Tiyak na tututukan ng Budoy fans ang mas marami pang nakaaantig na eksena sa mga susunod na linggo kasama ang promising young stars na sina Jessy Mendiola at Enrique Gil; mga tinitingalang haligi ng industriya na sina Dante Rivero, Gloria Sevilla, at Barbara Perez; at ang ilan sa mga pinakamahuhusay sa larangan ng pag-arte kabilang sina Janice de Belen, Zsa-Zsa Padilla at Christian Vazquez.
- Latest