Direktor nagsalita sa 'problema' sa shooting ni Nora

Tatanggap si Nora Aunor ng Lifetime Achievement Award mula sa 2011 CineManila International Film Festival sa November 11, sa Opening Night ng filmfestival. Tiyak ang pagdating ng superstar para tanggapin ang panibagong award.  

Sa tanong kung bakit si Nora ang bibigyan ng award? “Because she’s an international artist, because of Himala na winner ng CNN APSA Viewers Choice Award for Best Asia-Pacific Film of all Time. Dahil siya ang first Filipina actress na Best Actress sa Cairo Film Festival (The Flor Contemplacion Story) at marami pang international recognition, and for her stellar achievements and enormous contribution—as actor, singer, TV host and producer,” sagot ni Direk Tikoy.

Tuwang-tuwa din si Direk Tikoy na suportado siya ng local government ng Taguig at ni Mayor Lani Cayetano sa 13th Cinemanila na ang 80 films ay ipalalabas sa Market! Market! Cinemas sa Bonifacio Global City, Taguig at Fully Booked mula Novem­ber11 to 17.

Samantala, nagtataka ang direktor kung saan galing ang kuwento na problema si Nora sa shooting ng El Presidente dahil maayos ang trabaho nila at thankful siya na finally, nakatrabaho niya ito. Mahal daw ni Guy ang small workers ng movie at nagagalit ‘pag minumura ang crew.

Malapit na rin matapos ni Direk Tikoy ang documentary niya about Guy entitled Superstar at wish nitong maipalabas sa film festival (‘di nito nasabi kung dito o international filmfest).

TJ nakauna na kay Sarah

Sa presscon ng Kokak, biniro ng press si TJ Trinidad na pabata nang pabata ang leading lady niya dahil siya ang kapareha ni Sarah Lahbati sa comic series na pilot sa November 14, sa direction ni Ricky Davao. Nagulat din daw siya nang i-offer ang role pero natuwa rin na siya ang napiling itambal kay Sarah.

 “I enjoy working with new people and I feel good for this show and working with Sarah. I believe she’s gonna be big, pipilahan siya ng leading men at least, nauna ako sa kanya,” sabi ni TJ.

Very proud din si TJ sa The Road, ang psychological suspense thriller ng GMA Films, kung saan, important ang role niya.

Sa Nov. 30, ang opening ng movie sa direction naman ni Yam Laranas.

Show comments