Kaso pinabigat sa pagsibat, Ramona pinagbibintangang mastermind sa pagpatay kay Ramgen

SEEN : Ang pahayag ni Senator Bong Revilla, Jr. na nanginig sa galit ang kanyang laman dahil sa pag-alis sa bansa ng half-sister niya na si Ramona “Mara” Bautista noong Biyernes ng gabi. Suspect si Mara sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen Revilla.

SCENE : Nagpunta si Ramona Bautista sa Hong Kong, sakay ng Cathay Pacific flight at pinaniniwalaan na mula sa Hong Kong, lumipad siya sa Turkey.

SEEN : Ang pagtalilis ni Ramona Bautista sa ibang bansa ang nagpalakas sa duda ng Revilla family na may kinalaman siya sa pagpaslang kay Ramgen noong October 28.

SCENE : Pinabigat ng pagsibat ni Ramona ang kaso na ibinibintang sa kanyang kapatid na si Ramon Joseph Bautista na nakakulong sa Parañaque City jail. May mga haka-haka na si Ramona ang mastermind sa pagpatay kay Ramgen, hindi lang si RJ.

SEEN : Mara ang palayaw ni Ramona Bautista. Demon ang ibig sabihin ng Mara sa Buddhism.

SCENE : Tama ang pasya ni Ra­quel Pempengco na huwag kantahin sa burol ng kanyang dating asawa ang theme song nila, ang Sometimes When We Touch dahil nakaiwas siya na mapagbintangan na showbiz na showbiz.

SEEN : Si Kobe Paras ang model sa TV ad ng PLDT MyDSL. Si Kobe ang panganay na anak nina Benjie Paras at Jackie Fors­ter. Carbon copy si Kobe ni Jackie at namana niya ang man­nerisms ng ina.

SCENE : Sintunado ang boses nina Manny Pacquiao at Jimmy Kimmel nang kantahin nila ang How Deep is Your Love sa Jimmy Kimmel Live noong Huwebes ng gabi.

Show comments