Pasko na sa ASAP Rocks

MANILA, Philippines - Paskong-pasko na sa ASAP Rocks ngayong Linggo (Nobyembre 6), 12:15 sa ABS-CBN sa All-Star kantahan at sayawang hatid ng buong ASAP Kapa­milya sa pangunguna nina Gary Valenciano, Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Sarah Geronimo, Billy Crawford, ASAP Sessionistas, ASAP Pinoy Champs, at ASAP Supahdance All-Stars.

Saluhan sina Connie Reyes, Xyriel Manabat, Jodi Sta. Maria at ang all-star cast ng 100 Days to Heaven sa kanilang engrandeng pasasalamat para sa mga sumuporta sa kanilang teleserye na malapit nang magtapos.

Kung may magpapaalam, may bagong Kapamilya teleserye naman ang ipakikila sa ASAP Rocks concert stage kasama ang cast ng Angelito na pangungunahan ng bida nitong si JM de Guzman.

Kaabang-abang din ang sunod-sunod na regalong concert performance gaya ng Pamaskong production number nina Gary at Zsa-Zsa kasama ang 80’s music legends na sina Chad Borja at Ella Mae Saison; concert treat ni Martin; worldwide trending SOS number ni Sarah; at ang pagsali sa Kapamilya Circle of Winners ng Pilipinas Got Talent 3 grand winner na Maasinhon Trio.

May selebrasyon ring handog para kina Angeline Quinto, Christian Bau­tista, at isang kakaibang bridal shower party para kay Juris.

Ikaaaliw naman ng lahat ang mga sopresang hatid nina Billy, Toni Gonzaga, Cristine Reyes at Anne Curtis; Bugoy Drilon at Liezel Garcia; at espesyal na Pamaskong harana ng pinakabagong ASAP Kapamilya na Boys are Boys.

Itotodo pa ang pagdiriwang kasama ang Supahdance sensations na sina Kim Chiu, Empress, Jessy Mendiola, Gab Valenciano, John Prats, Vincent Bueno, Iya Villania, Nikki Gil, Jake Cuenca, Maja Salvador, at Rafael Rossel.

Huwag ding palampasin ang pagkakataong manalo ng front row tickets para sa premier ng Breaking Dawn sa ASAP Box Office.

Show comments