Masayang-masaya si Paulo Avelino sa kanyang paglipat sa Kapamilya Network dahil namamayagpag ang kanyang career ngayon.
Matapos lumabas at mapansin ang kanyang galing sa pag-arte sa Wansapanataym at Maalaala Mo Kaya ay dalawang malalaking proyekto ang nakatakdang gawin ni Paulo. Kasama siya sa Ikaw ay Pag-ibig na pagbibidahan nina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Mutya Orquia, at Louise Abuel. Makakasama naman ni Paulo sa Walang Hanggan sina Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Coco Martin, Julia Montes, Melissa Ricks, at marami pang iba.
“I’m very thankful to the Kapamilya Network for giving me the chance to be part of them and for the very warm welcome. Sa lahat ng tulong na ibinibigay nila at lahat ng opportunity na ibinibigay nila sa akin,” bungad ni Paulo.
Dagdag pa ng aktor na tama ang ginawa niyang mga desisyon para mapabuti ang kanyang career. “Hindi ko pa naaabot pero I can see that I’m slowly improving. I’m slowly going there and hopefully in a few years makukuha ko ’yon,” sabi ng aktor.
Ilang taon na rin siya sa showbiz pero parang baguhan ang pakiramdam ni Paulo mula nang lumipat siya sa ABS-CBN. “Naging mahirap ’yung adjustment and actually now, nag-a-adjust pa. Hindi ko pa talaga gamay,” pagtatapat ni Paulo.
Mas gusto rin ng aktor na hindi siya matali sa iisang leading lady lamang.
“I’d rather stand alone kasi mahirap para sa akin na mag-stick to one love team kasi parang hanggang doon na lang. Feeling ko hindi ako mag-i-improve kung maiwan lang ako sa isang kapareha,” paliwanag pa ni Paulo.
Melissa hindi na nag-i-inarte sa pagpapa-sexy
Ngayon ay handang-handa na muling tumanggap ng mga daring roles si Melissa Ricks dahil sa kanyang karakter sa Nasaan Ka, Elisa?
“Sobrang happy kasi natatakot ako nung una kasi baka hindi matanggap ng tao kasi it’s a different kind of story na medyo daring. It’s a different me pero natutuwa ako dahil maraming na-hook. Maraming kumapit doon sa kuwento namin. Hindi ko masyadong dinidibdib, basta I do my best sa role na ’yun. I attack it the way na I can and sana magustuhan ng tao ’yung mga ginagawa ko and nagustuhan naman nila so I’m very, very happy,” pahayag ni Melissa.
“Prior to Nasaan Ka, Elisa? Nakipag-meeting na ako with management. I told them that I’m not a kid anymore, na I wanted more mature roles. I want to grow up not only as a person pero as an actress as well. After that meeting, siguro mga two months later, binigyan ako nitong project so, hindi ko naman tinanggihan ’yun. Huwag nama — Reports from JAMES C. CANTOS