^

PSN Showbiz

Bong ayaw makisawsaw sa imbestigasyon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Back to normal ang showbiz dahil sunud-sunod na naman ang presscon. As usual, favorite topic sa mga tsikahan ng mga reporters ang pagpatay kay Ram Revilla at sa mga nakakagulat na twist ng kuwento.

Nagre-request ng reinvestigation ang pamilya Revilla at karapatan nila ’yon dahil ang kanilang mga mahal sa buhay ang sangkot.

Mga buhay at kinabukasan ng mga nakababatang kapatid ang nakataya kaya bilang kuya, hinihiling ni Sen. Bong Revilla, Jr. na magkaroon ng panibagong imbestigasyon.

In fairness kay Bong, hindi siya nakikialam sa imbestigasyon ng Parañaque police. Pinabayaan niya ang mga pulis na mag-imbestiga at mapapatunayan ito ng mga pulis dahil sila ang nagpapainterbyu sa media.

Genelyn nabigla sa mga sinabi?

Katarungan para sa kanyang mga anak ang sigaw ni Genelyn Magsaysay na hindi matanggap ang resulta ng imbestigasyon ng Parañaque police.

Kung nanood kayo ng mga news programs noong Miyerkules, alam ninyo ang dialogue ni Genelyn na naniniwala na may malaking tao na nasa likod ng pagpatay kay Ram at may intensyon na sirain ang kanyang pamilya.

Walang pangalan na sinabi si Genelyn kaya kanya-kanya ng hula ang mga nakapanood sa TV interview niya.

Unawain na lang natin si Genelyn dahil normal sa mga emosyonal na tao na magsalita ng pabigla-bigla. Bilang ina, mahirap ang katayuan niya ngayon kaya pang-unawa ang kailangan niya.

Ibinalita noong Miyerkules na pribadong paglilibing kay Ram ang request ng Revilla family pero imposible itong mangyari dahil marami ang sumusubaybay sa kaso.

Nakadagdag sa curiosity ng mga tao ang nakakagulat na twist kaya hindi na ako nagulat nang makita ko sa TV ang napakaraming bilang ng mga nakipagli­bing at ang mga reporters and photographers na nag-unahan sa paghahanap ng magandang anggulo.

Profiles bongga ang magiging launching

Engrande ang launch ng Profiles Magazine sa November 8 dahil gaganapin ito sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.

Ang Profiles ang pinakabagong high-end magazine na pag-aari ni Rosemarie Basa na kilala bilang Real Estate Queen.

Naisakatuparan ang Profiles dahil sa collaboration ni Rose at ni Ida Henares ng GMA Artist Center.

Itinatag ni Rose ang PREF Media at ito ang publisher ng Profiles. Mga contract star ng GMAAC ang starring sa maiden issue ng Profiles na mabibili sa halagang P180.00.

Star-studded ang bonggang launch ng Profiles dahil dadaluhan ito ng GMAAC stars sa pangunguna ng mga celebrity na tampok sa siyam na cover lay-outs. I repeat, 9-cover lay outs na first time na mangyayari sa history ng mga local magazine.

Abangan ninyo ang paglabas ng Profiles dahil may feature story sila tungkol sa Startalk, ang longest -running showbiz oriented talk show. Sa madaling-salita, mababasa ako sa maiden issue ng Profiles.

Padasal para kay Butse nagsimula na

Nagsimula kagabi sa Vera-Perez Gardens ang unang padasal para kay Boots Plata, ang direktor na sumakabilang-buhay noong Miyerkules dahil sa kanser.

Maliban sa kanser, may diabetes din si Butse na namatay na masaya, ayon sa kanyang misis na si Dolor Guevara.

Ipina-cremate ni Dolor ang labi ni Butse dahil ‘yon ang kabilin-bilinan ng kanyang namayapang asawa.

ANG PROFILES

ARTIST CENTER

BONG REVILLA

BOOTS PLATA

DAHIL

DOLOR GUEVARA

GENELYN

MIYERKULES

PROFILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with