MANILA, Philippines - Mga lalake’t babaeng katangi-tangi sa kani-kanilang larangang artistiko ang pinarangalan bilang Star Artists 2011 sa katatapos itanghal na Hairdressers Day 2011 ng Filipino Hairdressers Cooperative o Fil-Hair na ginanap sa Palacio de Manila noong October 26, 2011.
Ang mga honorees na naupo rin bilang member of the board of judges ay sina Isabel de Leon (Journalism), Catherine Untalan (Environmental Education), Athena Imperial (Ms. Philippines 2011), Donald Tapan (Photography), Ma. Teresa Pabular at Sonia Santiago (Fashion Modeling) at Pando Manipon (Impersonation).
Kasama rin sina Marides Fernando (Public Governance), Wilma Galvante (Entertainment TV Production), Ogee Atos (Choreography and Fashion Direction), Evangeline Pascual (former Ms. Philippines-World), Regine Tolentino (Dance), Lorraine Schuck (Beauty Queen Maker), Imelda Papin (Music) at Frederick Peralta (Fashion Design).
Ang lahat ng happening na naganap sa taunang Fil-Hair event pati na ang Sing-Alike contest ay mapapanood ngayong Sabado alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga sa GMA News TV sa programang Life And Style With Gandang Ricky Reyes na produksiyon ng ScriptoVision.
Tutok lang para ma-feel ninyo ang excitement, thrill at merriment ng mga lumahok sa iba-ibang kategorya ng hair and make up pati na ng mga manonood.