Coco napi-pressure kay Goma

Ayon kay Coco Martin, ang pagkakasama niya sa teleseryeng Walang Hanggan ang pinakamagandang birthday gift na natanggap niya ngayong taon. Nag-birthday ang aktor noong Nov. 1.

“Sana dire-diretso lang ’yung mga blessing tsaka mga proyekto na dumara­ting sa akin. Siyempre gusto ko rin na ’yung family ko laging maayos,” bungad ni Coco.

Ang kanyang bagong teleserye ay sinasabing soap opera version ng pelikulang Hihintayin Kita sa Langit nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na kasama rin niya ngayon sa nasabing serye. “Inspired ito sa Hihintayin Kita sa Langit. Noong bata ako isa ’yun sa mga pelikulang pinanood ko. Hanggang ngayon kapag pinapalabas siya sa TV, talagang pinapanood ko pa rin,” kuwento ng aktor.

Masayang-masaya si Coco dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang magagaling na artista katulad nina Richard at Dawn.

“Every project talagang pinaghahandaan ko. Hindi lang naman ’yung pumunta ako sa set para mag-taping. Talagang pinag-aralan ko ’yung role ko. Si­yempre makakasama ko si Richard Gomez, ’tapos ’yung dati pa niyang pelikula ay ’yung soap na gagawin namin, so nape-pressure ako. Sana mapanindigan ko ulit na magawa ko ng tama ’yung role ko,” pagtatapos ni Coco.

Makakasama rin ng aktor sa Walang Hanggan sina Helen Gamboa, Susan Roces, Melissa Ricks, Paulo Avelino, at marami pang iba.

Erik nakaramdam ng kakaiba sa stage play

Abala na ngayon ang Prince of Pop na si Erik Santos sa Broadway musical na The Little Mermaid kung saan ay siya ang gaganap na Prince Eric. Si Rachelle Ann Go ang magbibida bilang ang mermaid na magiging tao sa nasabing play.

“Nagre-rehearse na kami ngayon. I’m very excited kasi this is my first time to do theater so kumbaga ibang experience naman for me,” pahayag ni Erik.

Proud na proud ang singer dahil sa kanya ipinagkatiwala ang nasabing proyekto at hindi na niya kinailangang mag-audition.

“Siguro I’m lucky enough na hindi po ako nag-audition for the role kasi Direk Bobby Garcia, who’s our director in The Little Mermaid told me about two years ago pa na ako na ’yung role na Prince Eric. Si Direk Bobby naman, close kami niyan, kumbaga dinirek na niya ’yung mga past concerts ko. I’m really enjoying now. Ibang klaseng experience pala ’yung teatro,” kuwento pa ni Erik.

“I’m very grateful kay Direk Bobby and Direk Chari (Arespacochaga) for giving me the role, sa­na I really hope and pray na hindi ko sila ma-disappoint,” dagdag pa ni Erik. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments