Tila nagkaayos na si Charice at ang pamilya ng kanyang pinatay na ama sa burol nito sa Muntinlupa.
Nagtagal si Charice sa chapel na pinagbuburulan ng tatay niya na pinatay sa pamamagitan ng saksak noong bisperas ng Araw ng mga Patay.
Mahigit sa limang oras na namalagi si Charice sa funeral chapel at matiyagang naghintay sa labas ang mga TV reporter at crew.
Hindi pumasok sa loob ng funeral chapel ang mga TV crew dahil pinagbigyan nila ang privacy na hiniling ng pamilya Pempengco.
Nakita si Charice na umiiyak habang pinagmamasdan ang bangkay ng kanyang ama.
Ang ending, umaga na nang makauwi kahapon ang mga TV reporter dahil hinintay nila ang paglabas ni Charice mula sa kapilya.
Hindi na-sight ng mga reporter si Tess Relucio, ang lola ni Charice na imbyerna sa sariling anak na si Raquel.
Nakakaloka ang lola ni Charice dahil talagang gumawa ito ng eksena as in siya pa ang super-emote nang magpainterbyu sa mga news program.
Mukhang malalim ang pinanggagalingan ng galit ni Tess sa madir ni Charice dahil kamping-kampi siya sa kanyang manugang na natsugi.
Si Tess ang gustong interbyuhin ng mga reporter dahil karakter siya at dire-diretso ang kanyang pagsasalita. Very vocal siya sa pagkaimbiyerna sa anak na si Raquel.
The truth na sasabihin ni Ruffa inaabangan
Lumipad kagabi si Ruffa Gutierrez sa Dubai para sa audition ng Talentadong Pinoy.
Inabangan si Ruffa ng mga TV reporter sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport para sa reaksiyon niya sa joint interview nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa The Buzz noong Linggo.
Hinihintay ang pagsasalita ni Ruffa dahil sa kanyang banta na sasabihin na niya ang the truth and nothing but dahil idinadamay siya sa isyu ng break up nina Shaina at John Lloyd.
Pamilya Revilla, nangangailangan ng dasal
Inilibing na kahapon sa Angelus Eternal Garden si Ram Revilla at dinumog ito ng media kahit may balita na nag-request ng pribadong paglilibing ang Revilla family.
Lumaki ang kontrobersiya sa kaso ni Ram dahil isinangkot ng Parañaque Police sa murder at frustrated murder ang kanyang mga kapatid na sina RJ at Mara.
Dasal ang hinihiling sa lahat ng mga Revilla dahil sa mabigat na problema na pinagdaraanan ng pamilya.
Enzo at Louise nag-break dahil kay Sarah?
Break na raw sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes at si Sarah Lahbati ang itinuturo na third party.
At least, may sasagutin ngayong gabi si Sarah sa presscon ng Kokak.