Gerald may pa-liga ng basketball, Piolo may pa-concert para sa mga binagyo

MANILA, Philippines - Handang-handa na muli ang Star Magic Kapamilya sa isang back to back events ngayong Nobyembre!

Muling sasabak sa isang exhibition game ang Star Magic Team at ang ASAP Rocks sa kauna-unahang Gerald Anderson’s Basketball Tournament sa Nobyembre 13, 2011, Linggo, alas-kuwarto ng hapon sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Matapos ang ‘di malilimutang basketball game ng dalawang koponan sa nakaraang 2nd Star Ma­gic Games, naisip ni Gerald na bumuo ng isang liga para makatulong sa mga kabataan ng Cottolengo Filipim Inc. at ng Cancer Warriors Foundation. Pangungunahan nina Zanjoe Marudo, Matt Evans, Rayver Cruz, Jason Abalos, Xian Lim, Young JV, Jose Sarasola, Gerard Acao, Robi Domingo, Lance Christopher, Ram Sagad at Gerald ang Star Magic Team samantalang pambato ng ASAP Rocks sina Derek Ramsay, Billy Crawford,  Jhong Hilario, Gab Valenciano, Duncan Ramos, Eric Tai at Vhong Navarro. Ito ay isang free event na handog rin ng Star Magic.

Isang benefit show na A Night to Give Back naman ang magaganap sa November 20, 2011 alas-otso ng gabi sa Zirkoh, Morato kung saan mapapanood ang live performances ng mga Star Magic singers na sina Yeng Constantino, Sam Milby, Vina Morales, Jed Madela, Xian Lim, Matteo Guidicelli, Richard Poon, Sam Concepcion, at JM de Guzman. 

Ideya ni Piolo Pascual ang nasabing show para matulungan ang mga kababayan nating biktima ng bagyo at parte ng kikitain ay mapupunta sa ABS-CBN Sagip Kapamilya.

Ticket prices ay P 1,000 and P1, 500. Para sa tickets inquiries, tumawag kay Ms. Ana Esguerra sa 0915- 8408054.

Para sa mga detalye tungkol sa basketball at benefit show, mag-log on sa www.starmagic.ph, facebook (starmagic), at twitter (starmagicphils).

Show comments